Makakuha ng mabilis at eksaktong mga sagot sa IDNStudy.com. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Answer:✏️
KAGANDAHANG DULOT NG PAGKAKAROON NG REGULAR NA PHYSICAL ACTIVITIES:
Marahil ay naiisip ng ilan sa atin kung paano magiging aktibo ngayong may pandemya dulot ng Covid-19. May mga protocols na dapat nating sundin tulad ng pagkakaroon ng social distancing, palagiang pagsusuot ng face mask, at ang pag-sasailalim sa quarantine upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na ito.
Bukod sa mga establisyimento gaya ng gym at mga parke na pansamantalang isinara, ang mga outdoor activities rin ay naging limitado kaya napilitan ang ilan na humanap ng paraan kung paano mapapanatili ang malakas na pangangatawan sa pamamagitan ng pag eehersisyo sa loob ng tahanan.
Ang mga taong pisikal na aktibo ay may mababang risk ng pagdevelop ng chronic diseases gaya ng hypertension diabetes, coronary heart diseases sakit sa puso, obesity, at osteoporosis.
Benepisyo ng pag eehersisyo:
•Malakas na Immune System. Ayon sa mga pagsasaliksik ng mga eksperto, maka tutulong ang regular na pag eehersisyo upang mapalakas ang immune system. Sa pamamagitan rin nito nadaragdagan ang host immune defenses na nagpoprotekta ng katawan laban sa infections.
•Improves Mental Health. Nakakatulong ang pisikal na aktibidad upang maboost ang mood, cognitive function, maimprove ang tulog, maimprove ang confidence at self-esteem, mabawasan ang anxiety at stress.
para sa karagdagang impormasyon:
World Health Organization (2020). Physical Activity. Retrieved on January 2021 from. https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/physical-activity
Explanation:
#CARRY ON LEARNING
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Para sa mga de-kalidad na sagot, piliin ang IDNStudy.com. Salamat at bumalik ka ulit sa aming site.