IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa mga sagot ng komunidad at eksperto. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
[QUESTION ❓]
sumulat Ng Isang sariling pangwakas kung papaano mo wawakasan Ang koridong ibong adarna?
[ANSWER]
ANG WAKAS NG IBONG ADARNA
Nalaman at natuklasan ni Donya Maria ang kataksilan nagawa ni Don Juan dahil sa gagawinitong pagpapakasal sa ibang prinsesa. Kaya't nag-alimpuyo sa galit ang kanyang dibdib. Sakay ng isang malagintong karosa, nagpanggap na emperatriz si Donya Maria upang dumalo sa kasal nina Don Juan at Donya Leonora. Nang dumating sa kasalan si Donya Maria na naka-bihis emperatriz, namangha at nagtinginan ang lahat. Maganda ang gayak ni Donya Maria at litaw litaw ang kanyang angking kagandahan. Ang pakay at plano niya ay pigilin ang pag- iisang dibdib ng dalawa. Malugod na tinanggap ni Haring Fernando ang pagdalo ng emperatriz. Subalit hindi nakilala ni Don Juan na ang emperatriz ay walang iba kundi si Donya Maria. Nakiusap si Donya Maria sa hari na bago ikasal sina Don Juan at Donya Leonora ay kung maaring magdaos muna ng munting palabas sa harap ng lahat ng dumalo sa kasalan. Sa pamamagitan ng dula-dulaan ay nagawang isalaysay ng mga negrito at negrita ang lahat ng pinagdaanang hirap ni Don Juan sa mga pagsubok na ibinigay ni Haring Salermo. Pinalo ng negrita ang negrito at tinanong kung naaalala nito ang mga ginawang pagtulong ni Donya Maria sa kanya sa kaharian ni Haring Salermo na kanyang ama. Sa tuwing papalo ang negrita ay hindi nasasaktan ang negrito kundi ay si Don Juan. Kaya naman, unti-unting nagbalik ang mga alaalang nangyari sa kanila ni Donya Maria. Noon din ay pinatotohanan ni Don Juan na ang lahat ng nasaksihang dula-dulaan ng mga negrito at negrita sa palasyo ay pawang mga katotohanan.
Ang paghingi ni Don Juan na makasal si Donya Maria ay ibinigay na sa wakas ng Hari at Arsobispo at kasabay nito ang pagpapakasal ni Don Pedro at Donya Leonora. Sobrang saya at galak ang naramdaman ni Donya Maria sa kanyang kasal pero si Donya Leonora ay tahimik lang sa pagkasal kay Don Pedro. Pinili ni Don Fernando maging susunod na hari si Don Juan pero sinabi ni Donya Maria na may sarili na siyang renyo at hinihintay na nila iton ang dalawa. Si Don Pedro ay naging hari ng Berbanya at bumalik na sina Don Juan sa Reyno ng de los Kristal. Pagdating nila ay siyam na araw ang pista na nagdulot ng kasiyahan. Naging maganda na ang buhay ng mag-asawa, maayos at payapa silang nanirahan habang naghahari hanggang sa kanilang kamatayan.
Para sa mga karagdagan pang kaalaman
Mga Tauhan sa Ibong Adarna: brainly.ph/question/225121
Buod ng Ibong Adarna: brainly.ph/question/1425256
HOPE IT HELPS ☺
✳ PRIMROWES ✳
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Ang IDNStudy.com ay laging nandito upang tumulong sa iyo. Bumalik ka palagi para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.