Makakuha ng mga sagot mula sa komunidad at mga eksperto sa IDNStudy.com. Tuklasin ang malalim na sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga bihasang propesyonal.
Sagot :
Answer:
Ang mga Moro (Ingles: Moor, Moorish) ay ang katawagang sa mga Muslim na naninirahan sa Morocco, kanlurang Alherya, Kanlurang Sahara, Mauritania, Tangway ng Iberia, Septimania, Sicilia at Malta noong Gitnang Kapanahunan (Panahong Midyebal). Tinawag ng mga Moro ang kanilang teritoryong Iberiano bilang Al-Andalus, isang pook na binubuo ng Gibraltar, ang karamihan sa mga pook na ngayon ay pangkasalukuyang Espanya, Portugal, at bahagi ng Pransiya. Mayroon ding mga Moro sa pangkasalukuyang katimugang bahagi ng Italya pagkaraang saklawin nila ang Mazara noong 827[1] hanggang sa panghuli nilang pamayanan sa Lucera ay nawasak noong 1300. Ang kaibahan sa relihiyon ng mga Muslim na Moro ay humantong sa isang hidwaang nagtagal nang mga daantaon laban sa mga mga kahariang Kristiyano sa Europa, isang hidwaang tinawag bilang Rekongkista (Reconquista). Ang Pagbagsak ng Granada noong 1492 ang nakamalas sa pagwawakas ng pagkakaroon ng mga Muslim sa Iberia.
Ang katagang "Moro" ay ginamit sa Europa, sa malawakang diwa upang tukuyin ang sinumang may pinagmulang ninuong mga Arabo o Aprikano na nabubuhay sa Espanya o sa Hilagang Aprika. Ang mga Moro ay hindi isang mga tao na namumukod-tangi o naglalarawan ng sarili. Ang pangalan ay inilapat ng mga Europeo noong Gitnang Kapanahunan o ng mga Europeo ng maagang panahong moderno sa mga Berber, sa mga Arabo ng Hilagang Aprika, sa mga Muladi (mga Iberyanong Muslim)[2] and West Africans from Mali and Niger who had been absorbed into the Almoravid dynasty.[3] Noong 1911, naobserbahan ng pangunahing mga paham na ang katagang Moor o "Moro" ay walang tunay na halagang pang-etnolohiya.[4]
Explanation:
Salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Ang IDNStudy.com ay laging nandito upang tumulong sa iyo. Bumalik ka palagi para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.