IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mabilis na sagot. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng maaasahang sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

(1)________________________ na isa ka rin sa nahihirapan na bumangon sa umaga at sabayan ang pagputok ng iyong alarm clock o hindi naman kaya ay ang tilaok ng manok ng iyong kapitbahay, (2)________________________, subalit ikaw ay isa sa mga kabataang inaasahan ng hinaharap na magtataguyod sa pagpapalago ng ating bayan; ikaw ang pag-asa ng ating bayan kaya anomang hamon ng pagbangon sa umaga– marapat mo itong labanan, dahil ito ang unang hamon na dapat mong mapagtagumpayan sa susubok sa iyong kagustuhang magpursigi at magpatuloy sa pag-aaral. (3) ___________________________sa iniisip mo; kung saan ka kukuha ng iyong pantustos sa iyong online class – subalit, kailanman ang pinansiyal na suliranin ay hindi dahilan upang ikaw ay huminto sa pangangarap; sapagkat pagsisikap ang susi ng tagumpay at determinasyon ang tangi nitong pundasyon. (4) ____________________na higit ano pa man, ang salapi ay hindi kayamanan; ito ay isa lamang pangangailangan habang tayo ay nabubuhay – hindi mo ito madadala sa iyong huling hantungan. Hindi mo ito mayayakap o masasamba kapag pumanaw ka na. (5) _____________________, ano ang kayamanang matuturing? Ito ay walang iba kundi ang edukasyon, na siyang bubuo sa iyong karakter. (6) ___________________ na edukasyon ang tanging kayamanang hindi mananakaw nino man, at ang iyong karakter ang nagsisilbi mong pagkakakilanlan hanggang sa iyong paglisan sa mundong ibabaw. Sa ngayon, kinahaharap natin ang isang malaking hamon ng ating panahon – ngunit alam ko, (7) _____________________na bilang kabataan ay manindigan upang magpatuloy kahit ano pa mang daluyong ang iyong kaharapin o ano mang hirap ang iyong danasin dahil lahat tayo ay may pangarap na ninanais tuparin. (8) ____________________ mabigyang katuparan ang pinapangarap mo sa buhay, simulan mo ito sa pagbangon sa umaga bilang pagtupad sa iyong unang misyon – lagi mong iisipin, na (9) ___________________ matagumpay sa larangang iyong minimithi; ngayon o kailanman, maaabot mo ang tagumpay. (10) ___________________ lang. Kaya mo ito.​