Makakuha ng detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong gamit ang IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

anong pagpapahalagang pilipino ang nais palitawin sa kabanata 23 sa noli me tangere?​

Sagot :

Answer: Ang pagiging matulungin ng mga pilipino kadugo man o hindi, mayaman man o mahirap

Explanation:

Sa kabanata na ito pinapakita ang isa sa mga araw ni Maria sa pag-uwi niya sa bayan ng San Diego. Kaagapay niya ang mga matatalik niyang kaibigan na sina Iday, Victoria, Sinang, at Neneng sa may dalampasigan at nagkukuwentuhan at nagbibiruan.

Yun ay madaling araw at may mga ilang kabataan, kadalagahan, at ilang matatandang babae ang naglalakad papunta sa mga bangka na nakaparada sa dalampasigan. Sila ay may dala-dalang mga pagkain.

Sumakay sila sa bangka. Tig-iisang bangka ang mga dalaga dahil lulubog ang bangka kung sila lahat ang sasakay. Bawat dalaga ay may kasamang binata.

Si Maria at Ibarra ay magkasama, samantala si Victoria naman at si Albino.Sinagwan ang dalawang bangka papunta sa dagat ng isang lalakeng nagngangalang Elias. Siya rin ang nagsilbing piloto ng mga bangka.

Sila ay masayang nagmasid-masid sa lawa. Nagpatugtog naman si Maria at umawit ng Kundiman. Masaya ang lahat sa piknik ng biglang nakahagilap si Elias ng isang buwaya.

Pinagtulungan ni Elias, Ibarra, at ng ibang binata ang pagpatay sa buwaya. Pinasalamatan naman ni Elias si Ibarra sa pagsagip ng buhay niya. Ng matiwasay na ang lahat, nagpatuloy ang magkakaibigan sa pangingisda at sa piknik.