Mga Uri ng Pangungusap
Pangungusap na Patanong – pangungusap na nagtatanong o nag-uusisa. Nagsisimula ito sa malaking titik at nagtatapos sa bantas na tandang pananong (?).
- Halimbawa: Sino ang nagregalo kay Anna?
- Ano ang natanggap na regalo ni Anna?
Pangungusap na Padamdam – pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin. Nagsisimula ito sa malaking titik at gumagamit ng bantas na tandang padamdam (!).
- Halimbawa: Wow! Ang gandang laruan niyan!
- Naku! Nasira ang laruan mo!
Pasalaysay - Ang pasalaysay ay uri ng pangungusap na nagkukwento o nagsasalaysay. Ito ay nagtatapos sa tuldok (.).
- Halimbawa:Tumatakbo ang bata.
- Nagsasayaw sina lolo at lola.
Pakiusap - Ito ay ginagamitan ng magagalang na salita upang makiusap. Maaring nagtatapos sa tuldok o tandang pananong (./?).
- Halimbawa: Maaari ba akong humiram ng lapis?
- Pakibukas naman po ng pinto.
Pautos - Ito'y uri ng pangungusap na nagpapahayag ng obligasyong dapat gawin. Nagtatapos din iyo sa tuldok (.).
- Halimbawa: Magtanim ka ng halaman.
- Pakainin mo ang iyong alaga.
Answer:
Patananong 5.Naniniwala ka bang ang tunay na Kalayaan ay natamo ng mga Pilipino noong Hulyo 4, 1946?