Makakuha ng eksaktong mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.
Sagot :
Answer:
Tangere. Ang Noli Me Tangere ay tungkol sa pagsakop ng Espanya sa Pilipinas at nagbibigay tuon din ito sa mga Katolikong
Prayle. Isinulat niya ang nobelang iyon upang maimulat ang mga Pilipino sa mga paghihirap na nangyayari sa bansa dahil
sa pagsakop ng mga Espanyol. Layunin ng nobela ang mailantad ang kasamaang nagkukubli sa pamamahala ng
Espanyol.
Sinimulang sulatin ni Dr. Jose P. Rizal ang mga unang bahagi ng "Noli Me Tangere" noong 1884 sa Madrid noong siya
ay nag-aaral pa ng medisina. Nang makatapos ng pag-aaral, nagtungo siya sa Paris at doon ipinagpatuloy ang
pagsusulat nito. At sa Berlin natapos ni Rizal ang huling bahagi ng nobela.
Ang pagsusulat ng "Noli Me Tangere" ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa "Uncle Tom's Cabin" ni Harriet Beacher Stowe,
na pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa kamay ng mga panginoong puting Amerikano. Inilarawan dito
ang iba't ibang kalupitan at pagmamalabis ng mga Puti sa Itim. Inihambing niya ito sa kapalarang sinapit ng mga Pilipino
sa kamay ng mga Kastila.
Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang liham sa matalik niyang kaibigang si Dr. Ferdinand Blumentritt ang mga dahilan
kung bakit niya isinulat ang kaniyang akda. Ang lahat ng mga ito ay maliwanag na inilarawan sa mga kabanata ng
nobela.
Ang pamagat ng "Noli Me Tangere" ay salitang Latin na ang ibig sabihin sa Tagalog ay "Huwag Mo Akong Salingin"
na hango sa Ebanghelyo ni San Juan Bautista. Itinulad niya ito sa isang bulok sa lipunan na nagpapahirap sa buhay ng
isang tao.
Ang kanyang nobela ay nailathala noong 1887 sa Berlin. Ipinagbawal ang kanyang libro sa Pilipinas ngunit may mga
ibang palihim na nagdadala. Dahil sa kanyang nobela, nang bumisita si Rizal sa Pilipinas, siya’y pinatawag ng Gobernador
Heneral dahil sa mga paratang niya sa mga Espanyol. Ipinagtanggol ni Rizal ang kanyang sarili at siya rin ay humingi ng
paumanhin. Nang bumalik si Rizal sa Europa, hindi siya tumigil sa pagsusulat. Noong 1891, inilathala niya ang kanyang
pangalawang nobela na El Filibusterismo. Ito ay ang kasunod na nobela ng kanyang unang isinulat na Noli Me Tangere
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.