IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang platform para sa mga eksaktong sagot. Sumali sa aming interactive na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Answer:
"Ako at ang Aking Pamilya"
Sa gitna ng pandemya halos lahat tayo ay apektado. Ako at ang aking pamilya ay nakakaranas ng kahirapan, kakulangan sa pagkain, walang sapat na pera para sa pang araw araw na pangangailangan na kung saan lahat kami ay apektado. Subalit kahit anong pagsubok o problema man ang dumating sa aming buhay ay hindi parin kami susuko dahil lahat ng ito ay malalagpasan natin balang araw. Sa gitna ng pandemya maraming nagbago sa dati nating pamumuhay, katulad ng mas lalong naghihirap ang mga mahihirap, walang sapat na kita o sahod ang ilan sa mga manggagawa at higit sa lahat maraming buhay ang nawala. Sa panahon ngayon kailangan natin magkaisa at magtulungan hindi lang para sa aking sarili at hindi lang para sa aking pamilya kundi para sa lahat ng mamamayan ng ating bansa.