IDNStudy.com, ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman at mga sagot. Tuklasin ang mga maaasahang impormasyon sa anumang paksa sa pamamagitan ng aming network ng bihasang mga propesyonal.

I. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang ng inyong kalooban.

1. Hindi naniniwala sa K-12 ang iyong mga magulang at wala silang balak na pag-aralin ka sa Senior High, hanggang Junior High School lamang ang nais na ipatapos nila sa iyo. Ano ang iyong magiging pananaw?
A. sumama ang loob sa kanila
C. manahimik nalang at magmukmok
B. subukan na magbisyo na lamang
D. umasang mababago ang kanilang pasiya

2. Si Ali ay isang Muslim at naniniwala siya sa Koran, samantalang si Mario ay isang Kristiyano at naniniwala naman siya sa Bibliya, ano ang dapat nilang gawin?

A. magdebate
B. magkaunawaan
C. magrespetuhan
D. magpayabangan

3. Dumanas ng matinding pagsubok ang pamilya ni Noly, ano ang dapat niyang gawin?

A. magrerebelde
C. titigil sa pag-aaral
B. mananalig sa Diyos
D. makikinig sa payo ng kaibigan

4. Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa iyong kapwa?

A. magsimba tuwing linggo
C. maglimos sa pulubi sa daan
B. samahan ang mga barkada
D. tumulong sa nasunugan/nabahaan

5. Niyaya ka ng iyong kaibigan na abangan ang iyong kaklase sa labas dahil di nagbigay ng baon sa kanila, ano ang iyong magiging pasiya?

A. umiyak ng umiyak
C. matakot at sumunod sa kanila
B. magsumbong sa guro
D. manalangin at humingi ng tulong at gabay sa Diyos​