IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan para sa maaasahang mga sagot. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad.

mag bahagi o mag sulat ng isa sa iyong mga responsibilidad bilang konsyumer​

Sagot :

Answer:

Responsibilidad bilang Konsyumer

Ang mga responsibilidad ng isang konsyumer ay napakahalaga na ating malaman at aralin, ang mga responsibilidad na ito ang nagsisiguro na tayo ay nagiging matalino at responsable sa pagbili o pag "consume" ng mga produkto. Ang mga responsibilidad din na ito ang nagpapaalala sa atin kung gaano kalaki ang ating ginagampanang katauhan sa ating ekonomiya.

Narito ang mga responsibilidad bilang isang konsyumer:

1. Pagkakaroon ng kamalayan sa kapaligiran, ito ay ang tungkuling mabatid ang maaaring hantungan ng ating kapaligiran bunga ng hindi wastong pagkunsumo. Napakahalagang pangalagaan natin ang ating likas na yaman na natatamasa ngayon upang mabigyan pa ng kinabukasan ang sunod na henerasyon.

2. Pagmamalasakit sa Lipunan, ang tungkuling mapanatiling maging natural ang pagkunsumo ng mga produkto at serbisyo sa ibang mamamayan, lalong-lalo na ang pangkat ng maliit o walang kapangyarihan, maging ito'y sa lokal, pambansa, o pandaigdigang komunidad.

3. Mapanuring Kamalayan, isa sa mga responsibilidad ng konsyumer ay ang pagiging listo at mapagtanong patungkol sa kung ano ang gamit ng produkto, ang halaga nito , at higit sa lahat ay ang kalidad ng mga paninda at ang paglilingkod na ating ginagamit sapagkat ang hindi pagkakaroon ng importansya sa kwalidad ng isang produkto ay magsisilbing kahinaan ng isang indibidwal.

Ano nga ba ang Konsyumer?

Ito ay tumutukoy sa mga taong bumibili at gumagamit ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang pangangailngan at magkaroon ng kasiyahan.

Alamin dito ang kahalagahan ng Ekonomiks

brainly.ph/question/141769

Mark me brainliest plss :(

#Letstudy