IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

Balita: sanhi at bunga​

Sagot :

Answer:

Sanhi at bunga

1. Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari

2. Ang sanhi ay nagsasaad ng dahilan kung bakit naganap ang pangyayari. Samantalang inilalahad naman sa bunga o resulta ang naganap na pangyayari na magiging batayan ng tao kung nabigo o matagumpay.

3. Hudyat na nagpapahayag ng sanhi o dahilan: sapagkat/pagkat dahil/dahilan sa palibhasa, at kasi naging

4. •Hal: Si Prinsipe Bantugan ay hinahangaan sapagkat nagpakita ito ng kahanga- hangang katangian. Umalis sa Bumbaran si Bantugan kasi hindi niya matanggap ang ginawa mg kapatid.

5. Hudyat na nagpapahayag ng bunga o resulta: kaya/kaya naman kung kaya bunga nito tuloy

6. •Hal: Napakakisig ni Prinsipe Bantugan, tuloy, marami ang humahanga sa kaniya. Tunay na si Prinsipe Bantugan ang pinakamagaling na mandirigma sa kaharian, bunga nito wala nang nagtangkang lumaban sa kaniya.

7. Tuntunin: Salungguhitan ang mga hudyat ng sanhi at bunga na ginamit sa pangungusap. Pagkatapos, ay bilugan ang sanhi at ikahon ang bunga.

8. 1. Minahal nang husto ni Adlaw si Bulan kaya’t pinakasalan niya ito. 2. Naging matamis ang pagsasama ng mag-asawa kaya’t biniyayaan sila ng maraming anak.

9. 3. Naging mabigat para kay Adlaw ang pagkakaroon ng maraming anak kaya naman inisip niyang patayin ang mga ito. 4. Sapagkat ina ay hindi naatim ni Bulang pumayag sa naging pasiya ng asawa. 5. Nagkaroon tuloy ng buwan at bituin sa gabi nang magkahiwalay sina Adlaw at Bulan.

Salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at kasagutan. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.