IDNStudy.com, ang iyong platform ng sanggunian para sa pangkomunidad na mga sagot. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Answer:
Ibong Adarna
Mula sa kahariang Berbanya ay may isang pamilya na ubod ng bait.Sila’y sina Haring Fernando Donya Valeriana at ang kanilang mga anak ay sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan. Ang tatlong prinsipeng ito ay bihasa sa paghawak ng sandata.
Minsan isang gabi, ang hari ay nanaginip na si Don Juan ay sinaktan ng dalawang tampalasan at kanilang inihulog sa balon. Ito ang naging dahilan kung bakit siya’y nagkasakit. Napag-alaman na ang maaari lamang makapagpagaling dito ay ang awit ng Ibong Adarna na matatagpuan sa bundok ng Taborsa puno ng Piedras Platas.Inatasang hanapin niDon Pedro ang ibon ngunit siya’y naging bato lamang. Sumunod na ipinadala ay si Don Diego ngunit pareho lamang ang naging kapalaran nila ni Don Pedro. Kung kaya, sa ayaw at sa gusto ng hari ay napilitang bigyan ng pahintulot si Don Juan na hulihin ang Ibong Adarna at hanapin ang kanyang dalawang kapatid. Dahil na rin sa kabutihang taglay ni Don Juan ay natulungan siya ng ermitanyo sa kanyang pakay. Ngunit inalihan ng inggit si Don Pedro kung kaya pinagbalakan nila ito ni Don Diego ng masama upang di sila lumabas na kahiya-hiya sa kanilang amang hari. Nang sila’y makabalik sa kaharian, ang sakit ng hari ay lalo pang lumubha dahil sa di nila mapaawit ang ibon.
Samantala, si Don Juan ay pinagyaman ng isang matanda kung kaya siya ay gumaling at madaling nakauwi sa kaharian. Dito na nalaman ng hari ang katotohanan sapagkat pagkakita pa lang ng Ibong Adarna kay Don Juan ay nagsimula na itong umawit na ang nilalaman ay isang pagtatapat ng mga naganap. Kundi kay Don Juan, malamang na naparusahan na ang kanyang dalawang kapatid.
hope it help
pa brainiest nalang po
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Para sa mabilis at eksaktong mga solusyon, isipin ang IDNStudy.com. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.