IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may mabilis na sagot. Sumali sa aming komunidad ng mga bihasa upang makahanap ng mga sagot na kailangan mo sa anumang paksa o problema.

ISAGAWA NATIN Isulat sa kuwaderno ang tamang pamamaraan ng paglapat ng pangunang lunas sa mga pinsala o kondisyon sa mga sumusunod na sitwasyon. 1. Naglalaro sina Ryan at Damian. Napansin ni Ryan na nagdurugo ang ilong ni Damian. Ano ang dapat niyang gawin? 2. Namimitas ng mga rosas sa hardin si Ana kasama ang kaniyang kapatid na si Ryzza. Biglang narinig ni Ana ang hagulgol ni Ryzza, nakagat na pala ng bubuyog ang nakababata niyang kapatid. Kung ikaw si Ana, paano mo lalapatan ng pangunang lunas ang iyong kapatid? 3. Papunta ka sa paaralan nang biglang may humahabol na aso sa iyong kaklaseng si Allih. Nakipaghabulan si Allih sa aso kaya sinakmal siya ng aso sa binti. Bilang kaklase ni Allih, paano mo siya tutulungan? 4. Naatasan kang magluto sa kusina ng nanay mo dahil araw naman ng Sabado. Habang hinihiwa mo ang mga sangkap ng iyong lulutuin hindi mo sinasadyang masugatan ang iyong daliri dahil masyadong matalas ang kutsilyong ginagamit mo. Paano mo lalapatan ng pangunang lunas ang iyong sugat?​