Sumali sa IDNStudy.com at makuha ang mabilis at kaugnay na mga sagot. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
brainly
Search...
angelkyee13
arjjj
28.10.2016
Filipino
Junior High School
answered
Ano ang kodisyon sa panahong isinulat ang el filibusterismo
1
SEE ANSWER
Answer
4.3/5
144
author link
brainlymomshie
Ace
3.9K answers
72.2M people helped
El Filibusterismo
El Filibusterismo ay isinulat matapos ang Noli Me Tangere. Taong 1887 nang makita ni Dr. Jose Rizal ang kalagayan ng bansa. Nakita niya ang kasawian ng mga kamag - anakan sa Calamba. Napag - alaman niya ang kahirapan ng mga magsasaka. Ginipit nang lubos ang pamilya niya dahil sa mga nobelang ito na kanyang isinulat.
Sa nobelang El Filibusterismo masasalamin ang kondisyon ng Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga kastila. Ang mga pari ang siyang namumuno sa bawat bayan. Mayroong kapitan - heneral at alperes na katuwang. Sa kabila nito tila mailap ang kapayapaan. Sanhi na rin marahil nito ang mataas na buwis na ipinatutupad. Liban pa sa mga abuloy at donasyon na kinakalap sa tuwing pista ng nayon at pista ng mga patay.
Ang tanging nakapagkakalakal lamang ng mga panahong iyon ay ang mga Intsik at mayayaman. Ang mga negosyo ay para lamang sa mga prominenteng tao. Kapalit ng pagpayag sa mga negosyong ito ay ang suportang pinansyal sa simbahan. Malaki ang ginampanan ng relihiyon sa pamumuhay ng mga tao. Halos lahat ng kanilang mga gawain ay may dasal at pagkukumpisal.
Explanation:
Correct me if im wrong
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.