Makahanap ng mabilis at maaasahang mga solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
Mga dapat isaalang-alang bago gawin ang proyekto – Simple Circuit
1. Bago mamili ng mga kagamitang gagamitin sa paggawa ng simple circuit ay dapat alamin muna ang kalidad ng materyales upang makaiwas sa
disgrasya. Dapat sa pagpili ng materyales, alalahanin ang mga ito;
- Hindi basta – basta sasabog ang bumbilya kapag ginamit.
- Hindi mabilis maubos ang enerhiya ng baterya at hindi madaling maputol ang wire.
2. Iwasan din ang mga wire na maaring tumalsik habang pinuputol ang mga
ito. Maaari kasi itong mapunta sa iyong mga mata.
3. Kung ang wire ay may nakitang sugat o nakalabas ang copper lagyan ito ng
electrical tape. Ngunit huwag hahawakan ang nakalabas na metal dahil sa
metal na ito dumadaloy ang kuryente.
4. Kung may hindi alam sa mga nangyayari. Humingi ng tulong sa nakakaalam upang makaiwas sa disgrasya.
5. Kapag ang circuit ay gumagana, huwag hawakan ang source. Kung ang
source ay baterya, umiinit ito at maaari kang mapaso. Kung ang source mo
naman ay kuryenteng nagmumula sa socket, maari kang makuryente dahil
sa taas ng boltahe nito.
⠀
Salamat sa iyong presensya. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.