Makakuha ng detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong gamit ang IDNStudy.com. Alamin ang mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.
Sagot :
Dahil anak-mahirap at may imaheng makamahirap, si Ramon F. Magsaysay ay tinaguriang“Idolo ng Masa” bago pa magwaging pangulo ng Republika ng Filipinas noong 1953.
Narito ang ilan sa kanyang mga patakaran at programang inilunsad:
1. Itinatag niya ang National Resettlement and Rehabilitation Administration (NARRA) upang mapadali ang pamamahagi ng mga lupang pambayan sa mga taong nais magkaroon ng sariling lupa.
2. Itinaguyod niya ang Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration (ACCFA) upang tulungan ang mga magsasaka na magbenta ng kanilang ani.
3. Farmers Cooperative Marketing Association (FACOMA) upang makabili ang mga magsasaka ng sariling kagamitan sa pagsasaka.
4. Pinagtibay ng Kongreso (1955) ang Batas Reporma sa Lupa ang batas na ito ang magsaliksik sa mga suliranin sa pagmamay-ari ng lupa.
5. Pinagtibay ang Social Security Act upang ang lahat ng kawani at manggagawa ay maging kasapi at mapangalagaan ang kanilang mga
karapatan.
6. Nagpatayo ng mga poso (artesian wells) at patubig upang mapabilis ang pag-unlad ng baryo.
7. Pagpapalawak ng nasyonalismo sa pamamagitan ng pagsuot ng Barong Tagalog at paggamit ng wikang Filipino.
8. Nakiisa sa pagtatag ng Southeast Asia Treaty Organization o SEATO.
9. Paglagda ng kasunduang Laurel-Langley (1954) upang palawakin ang kalakalan sa pagitan ng America at Pilipino.
10. Paglagda ng Reparation Agreement sa Japan-bilang bayad pinsala sa Pilipinas sa mga nasira nito sa nagdaang digmaan.
Maraming salamat sa iyong presensya. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.