IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.
Sagot :
May apat (4) na uri ng pangungusap ayon sa pagkabuo o kayarian.
1. Payak – isang diwa lang ang tinatalakay.
– maaaring may payak na simuno at panaguri.
- Hal. Maraming biyayang bigay ang Panginoon sa mga tao.
- 2. Tambalan – may higit sa dalawang kaisipan.
- – binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na nakapag-iisa.
– ginagamitan ng pangatnig na magkatimbang
- Hal. Ang biyaya ay kusang-loob na ibinibigay at ito ay kaloob na walang bayad.
Ang mga pangatnig na magkatimbang ay at, pati, saka, o, ni , maging, ngunit.
- 3. Hugnayan – pangungusap na binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at sugnay na di makapag-iisa.
- – ginagamitan ng pangatnig na di-magkatimbang ( kung, nang, bago, upang, kapag, dahil sa, sapagkat)
- Hal. Mabuti ang mag-asawa sapagkat tumutulong sa mga kapitbahay na nangangailangan.
- ( ang may salungguhit ay sugnay na makapag-iisa; walang salungguhit ay sugnay na di makapag-iisa)
- 4. Langkapan – pangungusap na binubuo ng tambalan at hugnayang pangungusap. ( binubuo ng 2sugnay na nakapag-iisa at sugnay na di nakapag-iisa)
Salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at kasagutan. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.