Sumali sa IDNStudy.com at makuha ang mabilis at kaugnay na mga sagot. Ang aming komunidad ay narito upang magbigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga katanungan.
Sagot :
KATUTUBONG SAYAW
Ang mga galaw at direksyon ng katawan ay batay sa damdamin. Hanggang ngayon ay hindi parin nawawala ang pagsasayaw sa tradisyon ng mga Pilipino. Narito ang ilang katutubong sayaw sa Pilipinas:
- Subli
- Sapatya
- Tinikling
- Sakuting
- Regatones
Pinagmulan Ng Mga Katutubong Sayaw
Ang mga katutubong sayaw ay nagmula sa iba't ibang lugar sa Pilipinas. Ang bawat sayaw ay naiiba base damdamin o mensahe na nais ipahatid ng mga ito. Kilalanin ang mga katutubong sayaw sa ibaba.
Subli - Ang sayaw na ito ay mula sa katagalugan. Ang salitang subli ay mula sa dalawang Tagalog. Ang dalawang salita ay subsub at dali. Sa sayaw na ito, ang mga lalaki ay nakasubsob na tila pilay at baluktot. Ang mga babae naman ay nakasuot ng sumbrero.
Sapatya - Ito naman ay mula sa Pampanga. Ito ay kadalasang sinasayaw ng mga magsasaka sa panahon ng kanilang pagtatanim bilang pag-aalay sa masaganang ani.
Tinikling - Mula sa Leyte ang sayaw na ito. Isinasayaw ito sa pamamagitan ng paggaya sa galaw at kilos ng ibong tikling habang lumulukso sa pagitan ng dalawang kawayan.
Sakuting - Ang sayaw na ito ay mula sa Abra. Lalaki lamang ang sumasayaw ng sayaw na ito. Ito ay isinasagawa sa pagpapakita ng pakikipaglaban gamit ang patpat.
Regatones - Ito naman ang katutubong sayaw na galing sa Negros Occidental.
brainly.ph/question/694043
#LearnWithBrainly
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Bisitahin kami palagi para sa pinakabagong impormasyon.