Sumali sa komunidad ng IDNStudy.com at simulang makuha ang mga sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.
Answer:
1. PORMAL at DI-PORMAL na mga SALITA
2. PORMAL
- mga salitang pamantayan dahil ito ay kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng karamihang nakapag-aaral sa wika
- gumagamit ng bokabularyo mas komplikado kaysa sa ginagamit sa araw-araw na usapan
- kalimitang ginagamit sa mga paaralan at sa iba pang may pangkapaligirang intelekwal
3. 2 URI NG PORMAL NA SALITA
PAMBANSA
mga salitang ginagamit sa mga aklat at babasasahing ipinalalabas sa buong kapuluan at lahat ng paaralan
ang wikang ginagamit ng pamahalaan at wikang panturo sa mga nagsisipag-aral
Halimbawa:
kapatid,malaki, katulong
4.
PAMPANITIKAN
mga salitang matatayog, malalalim, makukulay, at sadyang matataas ang uri
mga salitang ginagamit ng mga manunulat at dalubwika
Halimbawa:
Pambansa Pampanitikan
kapatid kapusod
malaki ga-higante
katulong katuwang
5. DI-PORMAL o IMPORMAL
mga salitang karaniwan at palasak sa mga pang-araw-araw na pakikipag-usap at pakikipagsulatan sa mga kakilala o kaibigan