Makakuha ng mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

gumawa ng tula tungkol sa kabayanihan kalikasan at pag ibig ​

Sagot :

Answer:

Dahil tayo'y mga Pilipino,

May manang tapang mula kay Bonifacio,

At may talinong galing kay Protacio,

At may lakas ng loob na pamana ni Apolinario,

May sariling isip upang gamitin sa wasto.

Kasaysayang nag-uugnay,

Sa kabayanihang dalisay,

Mula pa noong araw,

Sa ating dugo ay nananalaytay,

Pagmamahal sa bayan na nag uumapaw,

Di ipagpapalit sa kayamanang nakaw.

Kung umaga ako’y ginto sa liwanag,

Karong sinasakyan ng Araw sa sinag;

At kung gabi namang tahimik ang lahat,

Dahilan sa Buwan, nagkukulay pilak.

Dati akong puti, busilak ang ganda,

Sa Dios pamunas sa tuwi-tuwi na;

Sa Birhen ay panyong pamahid sa dusa,

At sa mga tala ay kulambo nila.

Dahilan sa ganyang dami kong gawain,

Ako ay dumumi, lumungkot, umitim,

At ang katawan kong ibig kong basain,

Kapag lumitaw na, ulan ay darating.

Huwag kang iibig nang dahil sa pilak

Pilak ay may pakpak

Dagling lumilipad

Pag iniwan ka na, ikaw’y maghihirap.

Huwag kang iibig nang dahil sa ganda

Ganda’y nagbabawa

Kapag tumanda na

Ang lahat sa mundo’y sadyang nag-iiba

Explanation:

hope it helps

Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan. Ang IDNStudy.com ay laging nandito upang tumulong sa iyo. Bumalik ka palagi para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.