IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may malinaw at konkritong sagot. Alamin ang mga detalyadong sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad na sumasaklaw sa iba't ibang paksa para sa lahat ng iyong pangangailangan.

PAGSAGOT SA GAWAIN
GAWAIN C
(PAGYAMANIN PAHINA 10-11 FIL Q4 MODYUL 3)
BASAHIN ANG TEKSTO AT SAGUTAN ANG MGA TANONG SA IBABA.

Malimit noon na makitang namamangka sa Ilog Pasig si Jose Rizal. Kasama niya ang kaniyang kasintahang si Leonora Rivera. Ito ang naging saksi sa kanilang wagas na pagmamahalan. Madalas nilang pasyalan noon ang Ilog Pasig dahil nakadarama sila ng kapayapaan ng kalooban tuwing pinagmamasdan nila ito. Ayon sa mga matatanda, ibang-iba raw ang Ilog Pasig noon. Bukod sa mga magkasuyong namamasyal dito, marami ring kababaihan ang nakikitang naglalaba rito. Paliguan din ito ng marami at dito nangingisda ang mga tao. Kulay asul ang tubig nito, malinis at malinaw. Iba’t ibang isda ang nahuhuli rito tulad ng talimusak, dalag at kanduli. Presko ang simoy ng hangin dito. Naging inspirasyon ng mga makata at manunulat ang ilog na ito. Ipinahahayag nila ang kanilang mga damdamin sa pamamagitan ng tula at awit. Gaano man kabigat ang suliranin ng isang tao dagli nila itong nalilimutan kung namamalas ang kagandahan ng Ilog Pasig. Ang alon ay tila musika sa kanilang pandinig. Ganiyan kaaya-aya ang Ilog Pasig noon. At isa ito sa itinuturing na magandang tanawin sa ating bansa. Ngunit ngayon, ano ang nangyari sa ilog na ito? Ang dating malinaw na tubig, ngayon ay maitim na. Ang presko at sariwang hangin ay napalitan nang mabahong simoy na dulot ng basurang itinapon dito. Ang mga isda ay wala ng pagkakataong mabuhay sapagkat ito ay puro burak na. Sino pa ang masisiyahang mamamasyal sa pook na ito? Paano tayo uunlad kung pati ang kalikasan ay sinisira natin dahil sa kapabayaan? Paano na ang ating kalusugan? Sana’y magising na tayo sa paggawa ng kabutihan para na rin sa mga susunod na henerasyon. Sa kasalukuyan, marami ng proyekto ang pamahalaan upang buhayin muli ang makasaysayang Ilog Pasig. Sana’y makiisa ang lahat sa mga proyektong ito.

MGA TANONG
1. Paano inilarawan ang Ilog Pasig noon?
2. Bakit ganito ang Ilog Pasig noon?
3. Ano naman kaya ang kalagayan ng Ilog Pasig ngayon?
4. Ano-ano ang mga hakbang na ginawa ng mga Opisyal ng Lungsod ng Pasig sa muling pagsasabuhay nito?
5. Sa paanong paraan mapananatili ang kalinisan ng ilog na ito?
6. Ano ang nais mangyari ng may-akda ng teksto sa isyung ito?​