Makakuha ng mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng maaasahang sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Explanation:
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK
Ang pananliksik ay mahalaga, dahil dito mayroon tayonglap mga ginagamit sa ating pang-araw- araw na buhay tulad ng sasakyan, cellphone, ilaw, korente, refrigerator, internet at marami pang iba. Dahil sa pagpupunyagi ng manaliksik maraming napakinabangang bagay na ginagamit sa ating pang-araw- araw upang maging mabuti at mapadali an gating nais gawin.
Ang pananaliksik ay sistematikong pagtatala mo ng iyong obserbasyon sa isang pinatutunayang teorya. Ito ang proseso, pamamaraan at estratehiya na ginagamit ng mananaliksik.
Ang Pananaliksik ay nangangailangan ng malalim na pagsusuri ng ga ebidensiya at aktuwa na mga datos.
• Sa pamamagitan ng pananaliksik ,lumalawak at lumalalim ang karanasan ng tao, hindi lang tungkol sa partikular na paksang pinag-aaralan niya,kundi sa lipunang nagsisilbing konteksto ng kaniyang pananaliksik.
• Pagkakaroon siya ng pagkakataong makasalamuha ang kapuwa at nakikita niya ang bisa ng pananaliksik upang mapabuti.
ang pananaliksik ay lalong mailalatag ang halaga ng pananaliksik kung isasaalang-alang ang pangangailangan ng lipunang kinalulugaran nito.
Sa tulong ng pananaliksik maraming gawain ang mapapabilis.
Maraming buhay rin ang guminhawa at nagkaroon ng hanapbuhay tulad ng pamamasada dahilsa sasayan na nadiskubre, ganun rin ang mga mag-aaral mayroong nagagamit sa kanilang proyekto na computer at internet.
Sa iyong palagay paano mo maiuugnay ang pagsasagawa ng pananaliksik sa buhay ng isang tao?
Nagpapayaman ng Kaisipan
Lumalawak ang kasipan ng isang mananaliksik dahil sa walang humpay na pagbabasa, pag-iisip, pagsusuri, paglalahad at paglalapat ng interpretasyon sa mga impormasyong nakalap.
Gayundin, nakapaggagalugad at nakapaghahanda ka para sa iyong karera sa hinaharap dahil sa nasasanay kang magbasa at mag-analisa ng mga datos na nagbubunga ng pagkakaroon ng mas malawak na kaalamang magagamit sa iyong propesyon
Lumalawak ang Karanasan
Lumalawak ang karanasan ng isang manunulat sa mundo ng pananaliksik dahil maraming nakakasalamuha sa pangangalap pa lang ng mahahalagang datos, sa pagbabasa, paggalugad sa mga kaugnay na literature at sa mga taong nakakapanayam na may kinalaman sa pananaliksik.
Nahahasa rin ang iyong kagalingan sa pakikipagkapwa-tao dahil sa iyong pakikipanayam. Sa pamamagitan nito, nagiging mahusay ka sa pakikibagay dahil sa kagalingan mong makipag- ugnay sa iba’t ibang tao upang makakuha ng mga mahalagang datos.
Nalilinang ang Tiwala sa Sarili
Tumataas ang respeto at tiwala sa sarili kung magiging maayos at matagumpay na naisakatuparan ang alin mang pag-aaral at pananaliksi na isinagawa. Mahalagang parte ng buhay ng tagapagsaliksik ay ang pagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili upang mapagtagumpayan at malampasan ang lahat ng mga balakid at pagsubok habang nananaliksik.
Sa proseso, napauunlad mo ang iyong pagiging analitikal at kritikal na pag-iisip na nagreresulta ng pagiging matatag mo sa buhay---nakakaya mong tumayong mag-isa. Gayundin, dahil nasasanay ka sa paghahanap ng mga datos na sasagot sa iyong suliranin at dahil nakakaya mong tapusin ang proyekto, mas madali ang pagharap mo sa mga pagsubok sa buhay.
Nadaragdagan ang Kaalaman
Ang gawaing pananaliksik ay isang bagong kaalaman para sa bawat isa dahil ditto, nahuhubog ang kamalayan sa larangan ng pananaliksik. Maging sa iba pang aspeto ng buhay ng mananaliksik ay nabibigyang kasagutan, lumilinaw ang kaisipan, napapaawak ang kaalaman at umuusbong ang bagong kasanayan.
Bukod sa sariling pag-unlad, ang proseso ng pagtitipon-tipon ng mga nabasang ideya o pananaw mula sa iba’t ibang manunulat ay naghahasa ng kaisipan bilang indibidwal. Nangangahulugan itong nadaragdagan ang iyong kaalaman at pagkatuto.
Explanation:
I hope its help.
Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay at produktibong komunidad ng kaalaman. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Bisitahin kami palagi para sa pinakabagong impormasyon.