IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa malinaw at mabilis na mga sagot. Makakuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto na laging handang tumulong.

Panuto: Basahin ang bawat aytem at piliin ang angkop na sagot sa mga tanong/pahayag.. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.



1. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang hindi nagpapakita ng misyon sa buhay na nakabatay sa SMART?
a. Pagsasagawa ng bagay para sa sariling adhikain.
b. Pagpasok at pag-uwi ng tama sa oras. c. Pagsusumite ng mga hinihingi na dapat ipasa sa paaralan.
d. Pagtuturo ng maayos dahil ito ang aking misyon.



2. Ayon kay Jeffrey, nais niyang matapos ang kanyang takdang aralin sa loob ng isang oras. Alin sa mga sumusunod na krayteriya ng SMART ang tumutukoy sa layuning itinakda ni Jeffrey?
a. Time Bound
b.Measurable
c.Attainable
d. Specific



3. Alin ang di kabilang sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay?
a. Suriin ang iyong sarili
b. Sukatin ang mga kakayahan
c. Tipunin ang mga impormasyon
d. Tukuyin ang mga pinahahalagahan



4. Si Anna ay nagtatanong sa kanyang pamilya at mga kaibigan na makaaktulong sa kanyang pagtatakda ng sariling layunin sa buhay. Ano ang tumutukoy sa hakbang na ito sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay?
a. Suriin ang iyong sarili
b. Sumangguni sa iba
c. Tukuyin ang mga pinahahalagahan
d. Tipunin ang mga impormasyon



5. Ang mga sumusunod ay mga hadlang sa pagpapasya ng mga mithiin sa buhay maliban sa isa:
a. Panggagaya sa nakikita o naririnig sa iba
b. Pagiging totoo sa sarili
c. Masyadong abala at kulang sa pokus d. Takot mabigo



6. Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga paraan kung paano maiiwasan ang mga hadlang sa pagbuo ng Personal na Misyon sa Buhay, maliban sa isa:
a. Palagiang unahin ang sarili bago ang kapakanan ng nakararami
b. Palaging isipin bakit mo gagawin ang mabuting pagpapasya
c. Pag-aaralang mabuti ang mga kakaharaping balakid sa iyong pagpapasya
d. Huwag madaliin at mag-umpisa sa pinakamababa



7. Sa pagtatakda ng mga mithiin sa buhay, mahalaga na mayroong gabay, at ang krayteriyang SMART ang madalas na ginagamit bilang batayan sa pagsasagawa ng mga layuning ito. Ang mga sumusunod na sitwasyon na tumutukoy sa krayteriya ay kabilang sa SMART maliban sa isa:

a. Si Rhea ay mag-aaral sa baitang 9. Kinuha ng nanay niya ang lahat ng modyuls sa linggong iyon sa kanilang paaralan. Dapat masagutan ang mga ito upang maibalik sa araw ng Biyernes. Ngunit sil Rhea ay palaging naglalaro ng ML at pinabayaan na lamang ang kanyang modyul.

b. Si Mang Julio ay isang magsasaka. Malapit na ang anihan ng palay. Plano niyang umpisahan ang anihan sa darating na Lunes at kailangang tapusin ito sa loob lamang ng dalawang araw para mabilad ang mga produkto at maibinta sa kanilang suki sa lungsod.

c. Si Teacher Michelle ay guro sa elementarya. Gumagawa siya ng modyul para sa ikatlong markahan. Plano niyang gawing madali ang modyul para sa kanyang mga mag-aaral upang mataas ang iskor pati din ang kanilang marka.

d. Si Si Renato ay mahusay sa Mathematics nang siya ay nasa hayskul pa lamang. Noong siya ay nasa kolehiyo na ay kumuha siya ng kursong pagiging enhinyero.


8. Saan dapat makabubuti ang isasagawang pagpapasiya?
a. Kapakanan ng pamayanan/ komunidad
b. Pansariling kapakanan
c. Ispirituwal na aspeto
d. Sarili, kapwa at lipunan



9. Ang pagkilala sa sarili ay bahagi ng mga hakbang na kailangang daanan upang maka-buo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay. Alin sa mga sumusunod ang makakatulong sa pagkilala sa sarili?
a. Inililista ang mga kalakasan at kahinaan sa iba't-ibang mga larangan batay sa tunay na obserbasyon sa sarili
b. Pagkukunwari at pagkukubli sa tunay na pag-uugali
c. Ang pakikinig sa mga husga ng taong hindi kilala.
d. Inililista lamang ang mga sariling katangian o ugali na mabuti o maganda



Ang lighthouse ay tore o gusali na kumukuha ng ilaw mula sa mga lampara o lensis at ginagamit bilang gabay ng mga naglalayag na barko laban sa mga panganib o pagkalubog sa dagat. Maituturing na ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay katulad ng isang lighthouse.



10. Batay sa pahayag na nabasa sa itaas ano ang aral na maaaring makuha sa isang lighthouse kaugnay sa pagtatakda ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay?
a. Ang kawalan ng direksiyon sa buhay ay nagmula sa sarili lamang. b. Ang paglayo sa kapahamakan ay nangangailangan ng paghingi ng tulong sa magulang
c. Ang lighthouse ay isang lampara o lenses lamang makikita sa dagat. d. Ang pagpapasya sa buhay ay nangangailangan ng gabay upang maiiwasan ang pagkaligaw tungo sa iyong mga mithiin sa buhay.



Pa Help Ako sa Ap Grade 9, Brainliest Ko Makakasagot ng Maayos, Please Wag Nyo na lng Sagutan if Hindi Nyo Alam! at Copy lng! HINDI TOH FRÊE P0INTS? ​


Sagot :

Explanation:

tama Po lahat Yan maniwala ka saken ate ako ung sumagot kanina sa Tanong nyu ung may puso