Suriin ang malawak na saklaw ng mga paksa sa IDNStudy.com. Tuklasin ang malalim na sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga bihasang propesyonal.
Answer:
DIGMAAN SA KANLURAN
Dito naganap ang pinakamainit na labanan noong Unang Digmaang Pandaigdig. Ang bahaging nasakop ng digmaaan ay mula sa hilagang Belhika hanggang sa hangganan ng Switzerland.
Digmaan sa Silangan
Ang sunod-sunod na pagkatalo ng Russia ang naging dahilan ng pagbagsak ng dinastiyang Romanov noong Marso 1917 at ang pagsilang ng Komunismo sa Russia.
Digmaan sa Balkan
Lumusob ang Austria at tinalo ang Serbia. Upang makaganti ang Bulgaria sa pagkatalo, sumapi ito sa Central Powers noong Oktubre, 1915. Sa taong 1916, karamihan sa mga estado ng Balkan ay napasailalim na ng Central Powers.
Ang Digmaan sa Karagatan
Sa unang bahagi ng digmaan ay nagkasubukan ang mga hukbong pandagat ng Germany at Britanya. Naitaboy ng mga barkong pandigma ng Germany mula sa Pitong Dagat (Seven Seas) ang lakas pandagat ng Britanya.