Sumali sa IDNStudy.com at simulang makuha ang maaasahang mga sagot. Alamin ang mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

Panuto: Kung ikaw ay magiging pangulo ng ating bansa, anong suliranin ang nais mong mabigyan ng solusyon sa pamamagitan ng isang programa o patakaran? Gumawa ng sanaysay tungkol dito na may temang “Pangulo Ako, Lider ng Bansa Ko.”

Sagot :

Answer:

                                “Pangulo Ako, Lider ng Bansa Ko.”

Isa sa mga panguhahing suliranin na marapat solusyunan ng ating bansa ay ang climate change. Bilang isang lider ng ating bansa, nais kong bigyan ng halaga ang kinabukasan ng ating mga kabataan. Ibig sabihin nito ay pangalagaan ang ating kapaligiran para sa kanilang kinabukasan. Maari itong bigyang aksyon sa pamamagitan ng pag papabuti ng mga polisiya at programang magproprotekta at mag papanatili ng kaayusan ng ating yamang likas. Isa na rito ay ang pag bibigay ng sapat na budget para ipatupad ang mga programang kaakibat nito. Una, pagtatatag ng organisasyon sa bawat lungsod na nakakonekta sa programa ng ating Department of Environment and Natural Resources at iba pang ahensyang kaakibat nito. Pangalawa, pagpapatupad ng unilateral policy and program  na pangingisawaan ng mga organisasyon o institusyong ito. Nakapaloob rito ang ibat ibang programa tulad ng tree planting, recycling and waste management, paghikayat ng pangangalaga ng kalikasan: pagtitipid ng tubig; pagtitipid ng kuryente; tamang pagtapon ng basura; pagiging responsable sa paglinis sa sariling lugar. Pangatlo, ay pag subaybay sa mga ahensyang ito kung napapatupad ba ang mga programang nailahad. Pang huli, pakikipag ugnayan sa ibang bansa upang pagibayuhin ang kalagayan ng ating yamang likas.

Ilan lamang ito sa mga nabanggit na maaring makatulong sa ating yamang likas. Ang pagbabago ay magsisimula sa pagkilos ng bawat Pilipino.