IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga tanong sa mga solusyon. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.

ano ang ibig sabihin ng pambalana at pantangi plzzzz....pki answer

Sagot :

Nczidn
Ang pangngalan ay salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayop, at pangyayari.

Nauukol ang pangngalan ayon sa kaurian sa pagpapangalan sa tao, bagay o pangyayari.

Maaari itong pambalana o pantangi.

Pantangi

- Laging nagsisimula sa malaking titik na tumutukoy sa tangi o tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, kathang-isip, o pangyayari na ibinubukod sa kauri nito.

Halimbawa:

1. Dr. Jose Rizal
2. Leona Florentino
3. Google
4. Jollibee
5. Pilipinas

Pambalana

- nagsisimula sa maliit na titik na tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, pangyayari at iba pa.

Halimbawa:

1. bayani
2. manunula
3. website
4. lugar
5. bansa