Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot. Ang aming mga eksperto ay nagbibigay ng mabilis at eksaktong sagot upang tulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.

.. Ano ang mga kaugaliang pilipino?

Sagot :

MGA KAUGALIANG PILIPINO

PAGMAMANO SA MATATANDA

Ang pagmamano ay isang kaugalian ng mga Pilipino na kung saan ay isang paraan ng pagpapakita ng respeto sa mga nakakatanda. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagkuha ng kamay ng nakatatanda saka inilalapat sa noo sabay sabing "mano po".

PAGKAKABUKLOD NG MAG-ANAK

Isa rin ito sa kaugalian ng mga Pilipino dahil kung mapapansin ay ang mga magkakamag-anak lalo na sa mga probinsya ay nakatira lamang malapi sa isat-isa.

AMOR PROPIO

Ang isang kaugalian din ng mga Pilipino ay ang pagpapahalaga sa sariling dignidad.

BAYANIHAN

Kilala ang mga Pilipino sa pagbabayanihan o pagtutulungan. Nakikita ito sa mga pagtutulungan kapag may nasisiraan ng sasakyan sa kalye, paglilipat bahay at iba pang gawain sa komunidad.

PAGHAHARANA

Ang paghaharana ay isang kaugalian din ng mga Pilipino na isinasagawa ng mga lalaki para ipahayag ang kanyang pag-ibig sa nagugustuhang dalaga.

PAMAMANHIKAN

Ang pamamanhikan ay isang kaugalian ng mga Pilipino na isinasagawa kapag nagdesisyon ang isang lalaki at babae na magpakasal. Pormal na hinihinga ng lalaki ang kamay ng babae sa harap ng mga magulang nito.

SIMBANG GABI

Kaugalian na ng mga Pilipino ang pagdalo o pagkumpleto sa siyam na simbang gabi tuwing Disyembre.

PALABRA DE HONOR

Isang kaugalian ng mga Pilipino na tumutupad sa mga binitiwang salita o pangako. Palabra De Honor ibig sabihin ay "may isang salita".

Dagdag na mga babasahin dito:

Kauglian sa pagpapangalan

https://brainly.ph/question/1667149

Kaugalian ng Vietnam

https://brainly.ph/question/555296

Kaugalian ng kapampangan

https://brainly.ph/question/262108

#LetsStudy