IDNStudy.com, ang iyong platform ng sanggunian para sa pangkomunidad na mga sagot. Tuklasin ang mga maaasahang impormasyon sa anumang paksa sa pamamagitan ng aming network ng bihasang mga propesyonal.
Sagot :
Ibig Sabihin ng Dote
Ang dote ay isa sa tradisyon ng kulturang Islam. Ang ibig sabihin ng dote ay ari-arian o salapi na ibinibigay ng lalaki sa pamilya ng babaeng papakasalan. Ito'y isinasagawa bago ikasal at hindi maaaring maganap ang kasal hangga't walang dote. Ito'y kadalasang lupa, hayop, kagamitan o salapi. Ito'y handog sa Tagalog at dowry sa Ingles.
Mga Halimbawang Pangungusap
Ating gamitin ang salitang dote sa pangungusap upang mas maunawaan ito. Narito ang halimbawa:
- Kasama ni Roger ang kanyang pamilya bukas sa pagbibigay ng dote sa pamilya ni Aurora.
- Dahil walang lubos na kakayahan sa buhay, tinanggap ng kanyang pamilya ang kanyang paglilingkod ng isang Linggo bilang dote.
- Malaking halaga ang dote na natanggap ng pamilya ni Ruby kaya naman masaya ang kanyang pamilya.
Pagkakaiba at Pagkakapareho ng Islam at Hinduismo:
https://brainly.ph/question/2721426
#LearnWithBrainly
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong magpapaunlad ng kaalaman para sa lahat. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.