Makakuha ng mabilis at malinaw na mga sagot sa IDNStudy.com. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.

ano ang unang entablado ng unang digmaan

Sagot :

Europa ang nagsilbing entablado ng unang digmaang pandaigdig (World War I) na naganap noong 1914 hanggang 1918. Mayroong dalawang magkalabang alyansa noong digmaang ito. Ang Triple Alliance at Triple Entente.

TRIPLE ALLIANCE

  • Binubuo ito ng mga bansang Italy, Germany at Austria-Hungary. Na sa paglaganap ng digmaan ay nagkaroon pa ng mga bagong alyansa. Tinawag itong Central Powers na kinabibilangan ng mga bansang Germany, Austria-Hungary, Ottoman Empire at Bulgaria. Kakampi nila ang mga bansang Italy, Japan at United States.

TRIPLE ENTENTE

  • Binubuo naman ito ng mga bansang Russia, Great Britain at France.

SANHI

Mayroong apat na pangunahing sanhi ang unang digmaang pandaigdig.

1. Militarisasyon

- Ito ay upang mapalakas pa ang sandatahang lakas ng isang bansa sa pamamagitan ng pagdaragdag at pagpaparami ng kanilang mga armas at mga sundalo.

2. Alyansa

- Ang pagbuo ng mga kasunduan sa pagitan ng mga bansa upang masuportahan ang kanilang programa o proyekto ay mahalaga noong panahong ito.

3. Imperyalismo

- Ito ay sa kagustuhan ng mga bansa na magkaroon ng mas malaking kapangyarihan maging sa iba pang mga bansa. Nagagawa ito sa pamamagitan ng pagsakop at pagkontrol sa mga tao sa bansang iyon.

4. Nasyonalismo

- Dahil na rin sa konsepto ng nasyonalismo kaya umusbong ang unang digmaang pandaigdig. Ito ay tumutukoy sa labis na pagmamahal ng mga tao sa sariling bansa o bayan.  

Isa ring sinasabing sanhi ay ang pagpaslang kina Archduke Franz Ferdinand at ang buntis niyang asawa na si Sophie. Si Ferdinand ng Austria ay pamangkin ng noong Emeperador na si Franz Josef at siyang tagapagmana ng Austria at Hungary.  

  • THE BLACK HAND ang tawag sa isang grupo ng mga teroristang Serbian na namuno sa pagpatay sa tagapagmana.  
  • Gavrilo Princip ang pangalan ng rebolusyonaryong Bosnian na pumatay sa mag-asawa

RESULTA

Nang matapos ang digmaan, natalo ang Central Powers.

  • Nagkahiwalay ang mga bansang Austria at Hungary. Naging malayang mga bansa naman ang Estonia, Lithuania, Finland, Czechoslovakia, Latvia, Albania at Yugoslavia.  
  • Pinirmahan din dito ang Kasunduan sa Versailles na nagtakda ng pagwawakas ng digmaan.

Iba pang mahalagang impormasyon tungkol sa unang digmaang pandaigdig:

https://brainly.ph/question/1021133

https://brainly.ph/question/2155282