IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.

Sagisag ito na kumakatawan sa isang tagong kahulugan.
a. simbolismo
b tayutay
c. idyoma


Sagot :

Answer:

a. Simbolismo

Ang simbolismo ay mga sagisag na kumakatawan sa isang tagong kahulugan. Ito ay maaring ordinaryong bagay, pangyayari, tao o hayop, marka o isang bagay na sumasagisag sa isa pang konsepto. Maari rin itong mga salita, parirala o isang pangungusap na sumisimbolo sa isang bagay.

Pinagmulan ng simbolo

  • Mga karaniwang simbolo – ito ay mga namana o ipinamana sa atin mula sa ating mga ninuno. Ito ay tanyag at madaling tandaan at kadalasang natatagpuan sa sining o panitikan.

Halimbawa: kalapati (kapayapaan), puso (pag-ibig)

  • Mga simbolong nilikha – ang mga simbolong ito ay nilikhang tauhan, bagay at pangyayari ng mga manunulat upang maipahayag ang kanilang ideya. Kapag ang mga ito ay nakilala na ang mga ito ay nagiging karaniwang simbolo na rin.

Halimbawa: Maria Clara (mahinhing Pilipina)

Saan nakuha ang mga simbolo?

  • Mga simbolo sa panitikan - gumagamit ng simbolo ang manunulat upang :
  1. magpahayag ng mga kahulugang hindi kayang ipahayag ng literal na pagpapakahulugan,
  2. makuha ng ganap ang emosyon at imahinasyon ng mga mambabasa
  3. mapayaman at madaling matandaan at maunawaan ang kanilang kwento

Para sa karagdagan pang kaalaman, magtungo sa mga link na:

Halimbawa ng Simbolismo: brainly.ph/question/529551

Simbolismo ng isang ama: brainly.ph/question/282754

#LetsStudy