IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa malinaw na mga sagot. Sumali sa aming komunidad ng mga bihasa upang makahanap ng mga sagot na kailangan mo sa anumang paksa o problema.
Sagot :
Ang mga halimbawa ng hyperbole ay gabundok na labahin, umuusok ang ilong, namatay sa pangalawang pagkakataon, isang taong hindi kumain, naghintay ng isandaang taon, umuulan ng pera, tumalon hanggang langit, lamunin ng buo, nahati ang puso at umaapoy na paningin. Ang hyperbole o pagmamalabis ay nagdudulot ng nakakaaliw na pakiramdam sa mga mambabasa. Bagama't ang hyperbole o pagmamalabis ay halatang walang katotohanan, naiiintindihan pa rin ng mambabasa ang ibig nitong sabihin.
MGA PANGUNGUSAP GAMIT ANG HYPERBOLE O PAGMAMALABIS
- Gabundok na labahin
Pasensiya na at hindi muna ako makadadalo sa ating taunang pagtitipon sapagkat kailangan ko munang tapusin ang aking gabundok na labahin.
- Umuusok ang ilong
Umuusok ang ilong ni Aling Norma nang malaman niyang kinain ng kambing ng kapitbahay ang kanyang pinakaiingatang halamang bulaklak sa hardin.
- Namatay sa pangalawang pagkakataon
Nu’ng nalaman kong mawawala ka na naman sa akin, namatay ako sa pangalawang pagkakataon.
- Isang taong hindi kumain
Ang sekreto ko upang bumalik sa pagiging balingkinitan ang aking katawan ay isang taon akong hindi kumain.
- Naghintay ng isandaang taon
Grabe ang tagal mo! Naghintay ako ng isandaang taon saka ka lamang dumating.
- Umuulan ng pera at mga pagkain
Paborito ko talaga ang Disyembre dahil sa buwang ito laging umuulan ng pera at mga masasarap na pagkain.
- Tumalon hanggang langit
Sa tuwing umuuwi si Mama at may dalang pasalubong, tumatalon kami ng mga kapatid ko hanggang langit dahil sa tuwa.
- Lamunin ng buo
Gutom na gutom na talaga ako at kaya na kitang lamunin kaagad ng buo!
- Nahati ang puso
Biglang nahati ang puso ko nang makita kong may kasama siyang iba at magkahawak kamay pa!
- Umaapoy na paningin
Umaapoy ang aking paningin sa galit at panibugho habang sinusundan kong pumasok sa sinehan ang aking nobyo at ang aking kaibigan nang magkaakbay.
Ano ang Hyperbole o Pagmamalabis?
Ang hyperbole o pagmamalabis ay isang uri ng tayutay na nagsasaad ng sobrang pagmamalabis o kaya ay masidhing pagkukulang sa isang bagay. Maaari itong eksaherado o kaya ay sobrang kinukulangan ang katotohanan ng kalagayan o katayuan ng isang inilalarawan. May hawig ito sa idyomatikong pahayag pero hindi naman sila magkatulad sa lahat ng pagkakataon.
para sa karagdagang impormasyon, maaaring sumangguni sa:
https://brainly.ph/question/111438
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.