IDNStudy.com, kung saan nagtatagpo ang mga eksperto para sagutin ang iyong mga tanong. Alamin ang mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

Maikling sanaysay tungkol sa malayang kalakalan sa pagitan ng amerika at pilipinas​.

Sagot :

Answer:

Ang malayang kalakalan noong panahon ng mga Amerikano ay ang pag-aalis ng restriksiyon at kota ng pangangalakal sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. Ito ay pinagtibay ng tinatawag na "Batas Payne Aldrich". Ayon sa patakaran ng malayang kalakalan na pinairal ng mga Amerikano, lahat ng mga produkto mula sa Estados Unidos ay maaaring makapasok sa Pilipinas nang walang buwis, gaano man karami ang mga produktong ito.

Sa panig naman ng produkto ng Pilipinas, nagtakda ng kota o dami ng produkto ang maaaring iluwas ng Pilipinas sa Estados Unidos. Ngunit naalis din ang patakaraang ito sa pamamagitan ng tinatawag na "Batas Underwood-Summons" kung saan walang kota o restriksiyon sa lahat ng produktong pumapasok sa dalawang bansa (Pilipinas at Estados Unidos). Dahil dito, ang naging epekto ng malayang kalakalan sa panahon ng Amerikano ay ang pagkahilig ng mga Pilipino sa mga produkto mula sa Estados Unidos. Isa ito sa mga naging masamang epekto ng malayang kalakalan.