Sumali sa IDNStudy.com at tuklasin ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.

Tukuyin ang mga sumusunod na pahayag kung ito ay TAMA o MALI. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan at MALI naman kung hindi. Isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

______ 1. Kapag mapanglaw ang isang tao, siya ay labis na nagdadalamhati.
______ 2. Kapag sinasabing nakalulunos na pangyayari, ito ay labis na nakasisiya.
______ 3. Kapag magkaaway ang dalawang tao, hindi na sila pwedeng maging kaibigan.
______ 4. Nakalalason at nakamamatay ang tubig ng isang ilog sa Albanya.
______ 5. Sa gubat na mapanglaw, binalikan ni Florante ang lahat ng malungkot na pangyayari sa kanyang buhay.
______ 6. Kapag sinabing isa kang Narciso, ikaw ay may malakas na katawan.
______ 7. Nangangahulugan na may ibang minamahal ang isa’t isa kapag nagsumpaan ang dalawang nagmamahalan na walang iibigin kundi ang minamahal lamang.

______ 8. Kapag ang isang tao ay inihahambing sa isang mamahaling bato, ang taong ito ay hindi mahalaga.
______ 9. Ang gubat na kinaroroonan ni Florante ay nakikidalamhati rin sa kanyang
kalungkutan.
______ 10. Tama ang hinala ni Florante na nagtaksil sa kanya si Laura.