Magtanong at makakuha ng mga sagot ng eksperto sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

B. Ano ang ibig ipahiwatig ng sumusunod na mga saknong ? Isulat ang sagot sa patlang.
1. Maganda man ang balita’t
dapat nilang ikatuwa,
kay Don Pedrong puso’t diwa
bumuko ang ibang nasa.

Nabihag ng kagandahan
ni Leonorang matimtiman,
ang Prinsesa kung titigan,
titig na may kahulugan.

Ano ang damdaming namamayani kay Don Pedro?
________________________________________________________________________

2. Si Leonora’y walang kibo
Dugo niya’y kumukulo,
Lason sa dibdib at puso
Kay Don Pedrong Panunuyo.

Ano naman ang naramdaman ni Prinsesa Leonora sa mga sandaling ito.
________________________________________________________________________

3. “Ano baga’t gagayunin
ang bunso kong ginigiliw,
ito nama’y di salarin
na marapat pagbayarin?”

“Ang bunso kong si Don Juan
may loob na malumanay,
matapat na kaibigan
uliran sa kabaitan.”

“Kaya’t kung may maglililo
sadyang taksil na lang ito,
huwag namang magkatotoo
malupit na pangarap ko.”

Ano ang nadarama ni Haring Fernando habang naisip niya ito?
_________________________________________________________________________