Tuklasin ang maliwanag na mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Sumali sa aming interactive na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

Ano ang masasabi mo sa walang kamatayang awit na isinulat ni Francisco Balagtas ang "Florante at Laura"? ​

Sagot :

Sa labis na pagdurusa ni Francisco “Balagtas” Baltazar, naisulat niya ang Florante at Laura at dahil na rin sa sa pag-ibig niya kay Selya. At ang pag-iibigang iyon ang nagbigay ng gulo sa kanyang buhay.

Isinulat ni “Balagatas” ang Florante at Laura noong 1838 sa panahon sa pananakop ng mga Espanyol. Sa panahong ito, ipinatupad ng mga Espanyol ang sensura kaya’t ipinagbawal ang mga babasahin at palabas na tumutuligsa sa pagmamalabis at kalupitan ng mga Espanyol. Bunga ng pagkontrol ng mga Espanyol, ang mga aklat na nalimbag sa panahong ito ay karaniwang patungkol sa relihiyon o di kaya’y sa paglalaban ng mga Moro at Kristiyano na tinatawag ding Komedya o Moro-moro, gayundin ang mga diksyonaro at aklat-panggramatika.