Tuklasin kung paano ka matutulungan ng IDNStudy.com na makuha ang mga sagot na kailangan mo. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Answer:
Sa ilalim ng termino ni Quirino, nagkaroon ng kahanga-hangang rekonstruksiyon ng ekonomiya pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pangkalahatang paglago ng ekonomiya na 9.43 % at lumaking tulong pang ekonomiya mula sa Estados Unidos. Sa ilalim ni Quirino, maraming mga pabrika ang naitatag na nagpataas ng antas ng pagkakaroon ng trabaho at nagbigay sa bansa ng unang imprastrukturang industriyal. Sa pamamagitan ng mahigpit na mga patakaran ng pagtitipid, nagawa niyang patatagin ang piso at balansehin ang budget. Pinalawig ni Quirino ang mga sistemang irigasyon, ipinatayo ang mga plantang hydroelectric sa talong Maria Cristina at Bulacan upang lutasin ang problema sa kuryente sa Luzon, pinabuti ang mga lansangan, itinatag ang bangko sentral at pagbabangkong rural na nagpapautang sa mga magsasaka at negosyante. Nilikha ni Quirino ang Social Security Commission at ng President's Action Committee on Social Amelioration na nangangasiwa sa pagbibigay ng tulong, pautang, at kaginhawaan sa mga mahihirap na mamamayan. Ang kanyang programa ay kinabibilangan ng insurance para sa kawalang trabaho, pagtanda, aksidente at kapansanan, kalusugan, pang-ina at pagpapaginhawa ng estado.
Nabigo si Quirino na lutasin ang pagiging hindi pantay sa lupain at kayamanan lalo nasa mga malalayong pook na rural. Ang problemang ito ang paktor na nagtulak sa paghihimagsik ng Hukbalahap.
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Para sa mabilis at eksaktong mga solusyon, isipin ang IDNStudy.com. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.