Makahanap ng mga solusyon sa iyong mga problema gamit ang IDNStudy.com. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.
Answer:
Mga Katangian ni Juli
Si Juli ay isa sa mga tauhan ng nobelang inakda ni Jose Rizal. Ito ay ang nobelang pinamagatang El Filibusterismo. Si Juli ang kasintahan ni Basilio at siya rin ang anak ni Kabesang Tales. Nakilala ang tauhan ni Juli sa pamamasukan kay Hermana Penchang na nagdulot ng kanyang kapahamakan sa kamay ni Padre Camorra. Narito ang ilan sa mga katangian ni Juli:
Magandang binibini - Marami ang naging manliligaw dahil sa kanyang angking kagandahan. Maging si Padre Camorra ay nahumaling sa kanyang ganda.
Mabuting anak - Pinili ni Juli na mamasukan kay Hermana Penchang upang makatulong sa kanyang pamilya.
Madasalin - Isa sa mga nagpapatibay ng kalooban ni Juli ay ang taimtim na pagdarasal at paghingi ng himala sa birheng Maria.
Explanation: