Sumali sa IDNStudy.com at simulang makuha ang maaasahang mga sagot. Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.
Sagot :
Answer:
Kawaragi Senju.| AeronRiveraシ︎༺ᴠɪʀɢᴏ༻XI Buod o Synopsis
Si Manuel Bonifacio ang ama ng tahanan,isang balo at dating kapitan ng kanilang barangay. Namayapa na ang kaniyang asawa. Ang kasama lamang niya sa bahay ay si Jun. Siya ay may apat na anak na sina Allan Bonifacio, Bryan Bonifacio, Cha Bonifacio at Dexter Bonifacio. Sa kaniyang kaarawan ang mga ito ay hindi nakapunta dahil may kaniya-kaniyang pinagkakaabalan. Nalungkot siya dahil hindi niya makakasama ang kaniyang mga anak sa mahalagang okasyon ng kaniyang buhay.
Sa mismong kaarawan niya ay nakatanggap siya ng balita sa kanyang kaibigang doktor na mayroon siyang lung cancer. Ito ay ipinagbigay alam niya sa kanyang mga anak. Dumating ang mga anak niya at pinag-usapan ang problemang kinakaharap. Hindi pumayag si Manuel na magpagamot dahil sa tingin niya ay aksaya lamang ito sa pera dahil siya ay papanaw din. Hiniling na lang niya na magkasama-sama sila ng pitong linggo habang siya ay nabubuhay.
Pumayag naman ang mga ito. Ang mga anak at mga pamilya ng mga ito ay pumupunta tuwing araw ng linggo upang makapiling ang amang may sakit. Tumawag kanyang kaibigang doktor upang sabihin na nagkamali ang resulta ng kaniyang medikal hindi lung cancer kundi TB. Hindi niya sinabi ang katotohan at inilihim niya ito dahil ayaw niyang malaman ng kanyang mga anak ang katotohan at iwan siya.
Agad naman itong nalaman ng kanyang pinakabatang anak na si Dexter. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang magkakapatid at lumabas ang mga hinanakit ng bawat miyembro sa isa't isa. Sinabi narin ni Dexter ang katotohan sa kanyang mga kapatid. Nagulat silang lahat at isa-isang nagsi alisan ang mga ito. Napagtanto nila na sila ay mayrooong kamaliang nagawa kaya't pinasimulan ng panganay na anak na si Allan na buying muli ang pamilyang binalot ng hinanakit. Pinuntahan niya ang kanyang kapatid si Bryan upang humingi ng tawad at makipagkasundo. Nagkapatawaran ang magkapatid at nagkasundo sila na puntahan ang iba pa nilang kapatid upang ayusin ang kanilang pamilya. At sa huli, pinuntahan nila ang kanilang ama. Nagkaroon ng pagkakasundo ang bawat isa kaya't ang suliraning kinakaharap ay napagtagumpayan.
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang ating mga layunin. Para sa mga de-kalidad na sagot, piliin ang IDNStudy.com. Salamat at bumalik ka ulit sa aming site.