Tuklasin ang maliwanag na mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Tuklasin ang mga kumpletong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
HALIMBAWA NG PPMB o PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON NG BUHAY
Lahat ng tao ay may nakatakdang misyon sa buhay ngunit dahil iba-iba ang tao, iba't iba rin ang kanilang misyon sa buhay. Maaring ito ay isagawa sa pamilya, kapuwa, lipunan,paaralan o trabaho. Ang misyon sa buhay din ang nagiging dahilan upang magkaroon ng bokasyon o tawag. Napakahalaga sa isang tao ang bumuo nito sapagkat ito ang nagbibigay ng direksyon sa buhay.
BAKIT MAHALAGA NA MAGKAROON NG DIREKSYON ANG BUHAY NG TAO?
1. Upang masuri at masigurado ang gagawing pagpapasya.
2. Upang maging malinaw ang tunguhi
ANO ANG PERSONAL NA MISYON NG BUHAY
• Ito ay isang personal na motto o kredo na nagsasalaysay kung paano ninanais na dumalpy ang iyong buhay.
• Isang paraan upang higit mong makilala ang iyong sarili.
• Ito ay ang pundasyon sa pagkakaroon ng sariling kamalayan at mataas na pagpapahalaga sa iyong mga layunin sa buhay
• Ito ay isang malaking larawan kung ano ang iyong ninanais mangyari sa iyong buhay
• Ito ay magagamit sa pagkakaroon ng pansariling pagtataya
MGA DAPAT ISA ALANG-ALANG SA PAGTATAYA NG SARILI
• Suriin ang iyong ugali at katangian
• Tukuyin ang iyong pinapahalagahan
• Tipunin ang mga impormasyon
MGA TANONG NA DAPAT MASAGOT SA PAGGAWA NG PERSONAL MISSION STATEMENT
1. Ano ang layunin ko sa buhay.
2.Ano ang nais kong marating
3. Sino ang mga tao na maari kong makasama at maging kaagapay sa buhay
4. Ano- ano ang aking mga pangangailangan
HALIMBAWA NG PERSONAL MISSION STATEMENT
Ang aking personal na misyon
"
Ako ay isang estudyante na nais maglingkod sa bansa at aking pamilya kung ako ay magiging isang ganap na guro"
Ang aking personal na misyon sa buhay ay ang matulungan ang bansang Pilipinas na magkaroon ng mga responsabling mamamayan na may takot sa Diyos. Akin ding misyon na magkaroon ng mga mamamayan na kayang makipagsabayan sa mga bagong teknolohiya sa buong mundo upang mapa unlad ang bansang Pilipinas. Nais ko ring tumulong sa aking estudyante na magkaroon sila ng magandang buhay. Isa din sa aking misyon ay ang tumulong sa aking mga magulang sapagkat sila ang dahilan kung bakit ako naririto sa mundo. Tutulungan ko ang aking mga kapatid na makapagtapos ng pag aaral upang lahat kami ay maging propesyonal na maipagmamalaki ng aming mga magulang Upang matamo ko ang mga nabanggit kong misyon aking pag iigihan na matapos ang kursong pagiging guro. Kinakailangan ko ang mga magulang ko, kamag anak, kaibigan at Diyos upang matamo ito.
Para sa karagdagang impormasyon buksan ang link sa ibaba
brainly.ph/question/1351990
brainly.ph/question/353594
brainly.ph/question/1335713
Ang iyong kontribusyon ay mahalaga sa amin. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at matuto ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.