Makahanap ng mga solusyon sa iyong mga problema gamit ang IDNStudy.com. Tuklasin ang mga kumpletong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

Pista sa Aming Bayan

Masayang-masaya ang lahat. Araw ng pista ngayon sa aming bayan. Maraming tao ang nagsimba. Masigla at
masaya ang kalembang ng kampana sa simbahan.
Walang tigil ang masipag na banda ng musiko sa paglibot sa mga lansangan habang nagbibigay ng masiglang
tugtugin.
Naggagandahan ang mga arko sa mga panulukan ng mga kalye.
Naku, higit sa lahat kabi-kabila ang handaan. May mga naglilitson dito at doon. Malalaking talyasi ng pagkain ang
nakasalang sa kalan sa mga kusina at sa mga bakuran. Mula tanghalian hanggang hapunan ay pagsasalo-saluhan ang mga
inihandang pagkain ng mga magkakamag-anak, magkakaibigan, at mga panauhin. Kainang hindi matapos-tapos. Ganyan
ang pista. Nakalulungkot tuloy isipin na ang pista ay tila kainan na lamang at nawawala na ang diwang ispiritwal ng okasyon.
E, bakit nga ba may pista? Hindi ba’t nagdudulot lamang ito ng malaking gastos? Hindi ba’t malaking pag-aabala ito? Pero
sadyang hindi na maiaalis sa kulturang Pilipino ang pagpipista at pamimista. Ito’y isang kaugaliang minana pa natin sa ating
mga ninuno.
Ang pista ay araw ng pasasalamat sa Poong Maykapal sa mga biyayang ipinagkakaloob Niya sa mga tao. Ito ay
araw ng pagdakila. pagpuri at pagpaparangal sa Panginoon.

Tanong:
Magbigay ng mungkahing solusyon ayon sa suliraning napansin mo.

PROBLEM: Hindi ba’t nagdudulot lamang ito ng malaking gastos? Hindi ba’t malaking pag-aabala ito?


Sagot :

Answer:

para sa akin Ang pagpipista ay nakasanayan na nating mga pinoy gayung nagdudulot Ito Ng malaking gastos ay gagawin parin natin Ito bahagi Ng pagsasalamat at higit sa lahat ay kahit malaking abala Ito sa ating ay nasisiyahan Ng mga pinoy Ang pagpipista dahil kahit Ang gastos at talagang mahihirapan ka ay worth it namn Kasi maraming Tao Ang Dali sa inyo nagsasalo salo sa hapagkainan

Explanation:

hope it's help