IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang platform para sa mga eksaktong sagot. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.

"Epekto ng Distansya sa Pamilya”


Noong umalis si Rona Manlapaz patungong Canada, napagtanto niya na hindi lang

heograpikal ang distansya sa pagitan niya at ng kanyang dalawang anak at asawa.

Nagkaroon ng mas malaking epekto sa kanila ang kanyang pagkawala kaysa sa

presensya ng iba.

Noong umalis si Rona sa Pilipinas Patungong Canada noong 2016, iniwan niya ang

kanyang asawang si Mikel at ang kanilang dalawang anak na sina Maricel at Michael.

Pagkatapos nilang ikasal, nagtrabaho sina Rona at Mikel sa negosyo ng kanilang

pamilya; ngunit naghangad ang dalawa ng mas magandang buhay sa ibang bansa.

Habang hinanda ni Rona ang kanyang sarili sa mga hamon na haharapin niya sa

Canada, tila hindi siya handa para sa mga sakripisyong kasama sa kanilang pangarap.

Siya lamang ang nangibang bansa sapagkat mas malaki ang oportunidad para sa

kanya dahil sa kanyang posiyon sa hospital bilang nars, at naiwan si Mikel sa kanilang

anak para may mag-aruga at gumabay sa kanilang dalawang anak.

Habang inaalagaan ni Mikel ang dalawang anak, nakikipagsapalaran naman si Rona

mag-isa sa Canada bilang frontliner sa isang malaking hospital doon. At habang

kailangan labanan ni Rona ang kanyang kalungkutan, nagging malaking tulongsa kanya

ang madalas nilang pag-uusap ng kanyang dalawanganak, at ang pagkatuto niyang

magmaneho upang makapunta sa iba’t-ibang lugar sa Canada.

Pagkatapos ng isang taon, bumisita si Rona sa Pilipinas. Ngunit kahit hindi kailanman

naputol ang komunikasyon sa pagitan ng mag-anak, may mga nag-iba sa kanilang

ugnayan bilang pamilya. "For the first three years of Maricel and Michael’s life, we were

always together. When I came back i, they weren’t at ease with me. They would just

always be with their Papa and, they weren’t calling me ‘mum’ that much. As a mum, it

was painful.” Ito ang sakit ng kaloobang kinaharap ni Rona sa kanyang pagbabalik

Pinas.

Ang malayo sa pamilya ay napakahirap para sa isang ina, kaya’t ang tatlong buwang

bakasyon ni Rona ay nilaan niya sa kanyang pamilya, nandoon ang ipagluto niya ng

mga paboritong pagkain ang kanyang mga anak nakatulad ng kanyang ginagawa dati

at dahil malalaki na ang kanyang dalawang anak tinuturuan niyang mag bake ang

kanyang panganay na anak para magkaroon sila ng bonding at turuan sa kanilang

online classes. Unti-unti niyang nakuhang muli ang loob ng dalawang anak.

Kinausap ni Mikel si Rona bago siya umalis patungong muli sa Canada. Sinabi niya na

hindi na niya kayang mawalay pang muli sa asawa. Kaya ang ginawani Rona ay

ikinansela niya ang kanyang flight papuntang Canada at nagpa re-booked siya ng flight

para maisama ang kanyang asawa at dalawang anak. At sa ngayon ay masayang

nagsasama ang buong pamilya ni Rona at Mikel sa Canada.


1. iskrip tungkol sa Epekto ng Distansya sa Pamilya” ginagamitan ng anapora at katapora

makikisagot po salamat​