Sumali sa komunidad ng IDNStudy.com at simulang makuha ang mga sagot. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

paano mo masasabi kung naging masama na ang maidudulot ng nasyonalismo sa isang bansa​

Sagot :

Answer:

Mabuting Dulot ng Nasyonalismo sa Akin, sa Bansa, at sa Asya

Ang nasyonalismo ang sukatan ng katapatan ng isang mamamayan sa kanyang sinumpaang bansa. Dito nasusukat ang kanyang pagmamahal na hinding-hindi niya ipagpapalit sa anumang lahi ang kanyang nakagisnang kultura dahil ang pagiging isang nasyonalismo ay isang salik upang umunlad ang isang nayon at labanan ang anumang pantig ng kasakiman na maaaring ikasira ng isang bansang taning hangad lamang ay makabuo ng komunidad na pinamumunuhan ng mga matatagumpay na mamamayan.

Hindi na bago sa atin ang salitang nasyonalismo. Sa katunayan ay marami sa ating mga bayani na nakipaglaban sa kalayaan ay nagpakita ng malasakit sa kanilang bayan. Importante na dapat mahalin ng mamamayan ang kanyang nasyonalidad sapagkat ito ang salinlahi na dumadaloy sa kanyang katawan, dugo na siyang nagpapakita ng kanyang tunay na katauhan, patunay na hangad niya ang kabutihan hindi lamang sa kanyang mga kalahi ngunit sa buong bansa, at magpapakita ng kahusayan na kayang umaangat ng isang bansa sa pamamagitan ng pagmamahal ng mga mamamayan. Ang nasyonalismo para sa akin ay isang mahalangang salik na siyang bumubuo sa isang tao. Sa panahong ito, hindi na lihim sa ating mga Pilipino na madami sa atin ay nakahiligan na ang mga produktong tulad ng mga damit, palamuti, tsokolate, sapatos, at iba pa na galling sa iba’t ibang bansa. Sa sobrang pagkahilig natin sa mga ito ay nakakalimutan na nating tangkilikin ang mga produktong pinagsikapang gawin ng mga kapwa nating mga Pilipino. Oo nga’t branded, mahal, at dekalidad ang mga imported goods na ito ngunit hindi naman nalalayo ang kalidad ng mga produktong gawang pinoy sa mga imported goods kung tutuusin ay dekalibre rin ang mga ginamit na mga materyales. Sa ganitong mentalidad ng mga tao ngayon, paano na nga ba ang ating bansa kung patuloy na piliin natin ang iba bukod sa atin? Ang kaunlaran ng isang bansa ay nagsisimula sa pinakamaliit na sektor o unit at ito ay tayong mga indibidwal. Tao ang siyang gumagawa ng rason upang harangin ang siyang pag-unlad ngunit tao rin ang susi upang matigil ang ganitong sistema. Ang pagiging nasyonalismo ay nakakatulong sa bansa dahil dadami at tataas ang kita ng bansa na maaaring makasungkit ng mga investors at maaaring maging rason upang dumami ang opotunidad na makahanap ng mas maaayos na kabuhayan. Ang Asya ay binubuo ng maraming bansang may kany-kanyang kultura at dahil sa kaibahan na ito, sa tulong ng pagiging nasyonalismo ay nagkakaroon ng kanya-kanyang pagkakakilanlan ang mga bansang ito. At kung lahat ng bansa sa Asya ay maunlad dahil sa kani-kanilang yamang tao ay makikilala ang Asya sa buong mundo.

Maaalintulad natin ang nasyonalismo sa isang ulam na ikaw mismo ang nagluto. Paano malalaman ng iba na masarap ang iyong niluto kung ikaw mismo ay umayaw na matiikman ito at sa halip ay pinili mong subukang tikman ang luto ng iba. Mapapanis lamang ang iyong niluto dahil wala ni isa ang gumalaw rito. Ang nasyonalidad natin ay wag natin hayaang mapanis lamang at masapawan ang iabang salinlahi sapagkat ito ang nagdidikta kung sino talaga tayo. Ang pagiging nasyonalismo ay gawin na natin mismo.

Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.