Tuklasin kung paano ka matutulungan ng IDNStudy.com na makuha ang mga sagot na kailangan mo. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Si José Basco y Vargas[1] ay naglingkod bilang ika-44 na Kastilang Gobernador-Heneral ng Pilipinas, noong panahon ng kolonyalismong Espanyol. Namuno siya ng siyam na taon mula 1778 hanggang 1787. Di katulad ng ibang gobyerno sa panahon, itinuon ni Vargas ang kaniyang pansin sa ekonomiya kaysa sa militar. Pinalaya niya rin ang koloniyang Pilipinas mula sa kapangyarihan ng Bagong Espanya (ngayon ay Mehiko). Ipinangalan para sa kaniya ang Basco, Batanes.
Bilang gobernador-kapitan (gobernador-heneral) ng Pilipinas, inilunsad niya ang Sociedad Económica de los Amigos del País (Economic Society of Friends of the Country, o Lipunang Ekonomiko ng mga Kaibigan ng Bansa. Binuksan niya ang bansa sa mga dayuhang mangangalakal, na nakasanhi sa paglago ng ekonomiya.[1]
Nauna sa kaniya sa tungkulin si Pedro de Sarrio, na muling naging gobernador-heneral noong 1787.
Salamat sa iyong presensya. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.