Makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Alamin ang mga detalyadong sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad na sumasaklaw sa iba't ibang paksa para sa lahat ng iyong pangangailangan.

READ THE STORY AND I WILL ASK QUESTIONS

Ang Guro Ko Ay Superstar

Lagi kong hinahangaan si Gng. Lazaro. Matalino ang aking guro.

Siya ay mapagmahal sa mga bata. Siya ay maunawain, mapagpasensiya, masipag, matiyaga, at maganda. Para siyang artista.

Maraming humahanga sa kaniyang husay sa pag-awit, pagsayaw, at pagsasalita. Siya ang aming superstar!

Sa bahay, kung gabi, ang guro ay nag-aaral din. Pinag-aaralan niya ang ituturo sa amin kinabukasan. Laging nakahanda ang ituturo niya sa amin.

Sino ba ang guro?
Ang guro ang pangalawang magulang ng mga mag-aaral. Kung wala ang mga guro sa paaralan, walang magiging doktor, nars, arkitekto, abogado, inhinyero, at iba pang propesyonal.

Minsan ay nasabi ng isang bata sa kanyang ina, “Mommy, gusto ko pong maging guro. Gagayahin ko po ang titser namin. Mahusay po siyang magturo. Mabait po siya at matalino. Masipag po siya at talagang mahusay! Siya po ang idolo ko! Gusto ko po
siyang tularan paglaki ko—kasi gusto ko rin pong maging isang superstar!”

Questions

Instructions: Bumuo ng limang tanong tungkol sa kuwento. Isulat sa papel at picturan. Pakisend sa brainly na ito.