Magtanong at makakuha ng maliwanag na mga sagot sa IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.
Answer:
Ang Lungsod ng Cagayan de Oro (Cebuano: Dakbayan sa Cagayan de Oro); ay isang lungsod at kabisera ng lalawigan ng Misamis Oriental, Pilipinas. Nagsisilbi itong sentro ng rehiyon at ng kalakalan sa Hilagang Mindanao (Rehiyon X), at bahagi ng umuunlad na Kalakhang Cagayan de Oro, kasama ang lungsod ng El Salvador.
Matatagpuan ang lungsod ng Cagayan de Oro sa gitnang baybayin ng hilagang Mindanao na nakaharap sa Look ng Macajalar at naghahanggan sa mga bayan ng Opol sa kanluran; Tagoloan sa silangan, at sa mga lalawigan ng Bukidnon at Lanao del Norte sa katimugang bahagi ng lungsod. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 728,402 sa may 158,021 na kabahayan. Ito ang ika-10 pinakamataong lungsod sa Pilipinas.
Taong 2017 sa pagbabago ng Pederalismo sa Pilipinas, Ang lungsod ng Cagayan de Oro ang hinirang pa rin bilang kapitolyo sa Northern Mindanao.