IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may malinaw na sagot. Ang aming mga eksperto ay nagbibigay ng mabilis at eksaktong sagot upang tulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.

isagawa Bakit kinakailangang tukuyin ang mga taong nangangailangan ng angkop na produkto at serbisyo?​

Sagot :

Answer:

Ang bawat tao ay may kanya-kanyang pangangailangan, produkto at angkop na serbisyo ayon sa kanilang kalagayan.

Bago pag-isipan ang uri ng itatayong negosyo, kailangang tukuyin muna kung ano ang mga pangunahing produkto at serbisyo na kailangan ng mga tao. Mahalagang tugunan ang mga pangangailangan nila, kasama rito ang produktong may rasonableng presyo, mataas na kalidad at serbisyong nagbibigay ng tulong, respeto at tumutugon sa pangangailangan.

Dapat alamin kung matutugunan ba ang mga pangangailangan nila tulad ng sumusunod:

1.Maaasahang produkto at serbisyo.

2.Produktong mapapakinabangan nang matagal.

3.Mga produkto o serbisyong makatutulong sa pang-araw-araw na trabaho, katulad ng paglalaba,pagluluto, paglilinis ng bahay, at iba pa.

4.Mga produkto o serbisyong maaaring gamitin nangwalang pangamba na ito’y magiging mapanganib sakalusugan o kaligtasan.

5.Serbisyong nariyan lagi sa oras na kailangan.

6.Produkto o serbisyong magaan sa bulsa.

Explanation:          

Hope It Helps:))