IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad.
Sagot :
Answer:
Ang Cadiz Constitution ay nabuo dahil sa kagustuhan ng Espanya na wakasan ang abuso na bunga ng sistemang konserbatibo na umiiral sa kanilang bansa. Ninais itong ipatupad sa Pilipinas ngunit hindi nagtagumpay. Ang epekto ng Cadiz Constitution sa Pilipinas ay:
pagtigil ng Kalakalang Galyon (Galleon Trade)
pag-iral ng malayang kalakalan
pag-aalsa sa Ilocos laban sa pagkansela ng pagpapatupad ng Konstitusyon sa Pilipinas
pagkalat ng bagong kaalaman
Kaugnay nito, ang karagdagang detalye tungkol sa mga naging epekto ng Cadiz Constitution sa Pilipinas ay narito.
I. Ano ang Cadiz Constitution ng 1812?
Ang Cadiz Constitution ang bunga ng kagustuhan ng Espanya na wakasan ang abuso na bunga ng sistemang konserbatibo na umiiral sa kanilang bansa.
Ninais itong ipatupad sa Pilipinas ngunit hindi nagtagumpay.
Sa pamamagitan ng Cadiz Constitution, nabigyan ng halaga ang mga ideyang liberal. Kabilang dito ay ang karapatan sa pagboto ng mga kalalakihan at pambansang soberanya.
II. Mga epekto ng Cadiz Constitution sa Pilipinas
Ang epekto ng Cadiz Constitution sa Pilipinas ay ang mga sumusunod:
pagtigil ng Kalakalang Galyon (Galleon Trade) - Ang Kalakalang Galyon ay ang uri ng kalakalan na umiral noong panahon ng mga Kastila. Sa Kalakalang Galyon, ikinakalakal ang mga produkto mula sa Mehiko papunta sa Pilipinas at mga produkto mula sa Pilipinas papunta sa Mehiko.
pag-iral ng malayang kalakalan - Dahil dito, napalitan ang umiiral na merkantilismo.
pag-aalsa sa Ilocos laban sa pagkansela ng pagpapatupad ng Konstitusyon sa Pilipinas
pagkalat ng bagong kaalaman - Ito ay bunga ng Enlightenment sa Europa. Ang Enlightenment ay isang intelektwal at pilosopikal na kilusan sa Europa noong ika-18 siglo.
Iyan ang mga detalye tungkol sa Konstitusyong Cadiz at mga epekto nito (effects of Cadiz Constitution in the Philippines).
Narito ang iba pang mga links tungkol sa nasabing paksa.
Paano pinukaw ng Cadiz Constitution ang damdaming makabayan ng mga Filipino: brainly.ph/question/2094032 at brainly.ph/question/1364907
Ano ang Cadiz Constitution: brainly.ph/question/1321706
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at matuto ng mga bagong bagay. Sama-sama tayong magpapaunlad ng kaalaman para sa lahat. IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang kasama para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin kami palagi.