IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa malinaw at mabilis na mga sagot. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad.

Gabay
1. Ano ang ibig sabihin ng personal mission statement o peronal na pahayag ng
misyon sa buhay? Ipaliwanag.
2. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng Pahayag ng Personal na Layunin sa Buhay?Ipaliwanag.


Please answer po​


Sagot :

Personal na Misyon sa Buhay?Ito ay katulad ng isang personal na Kredo o isang mottona nagsasalaysay kung paano mo ninanais na dumaloy ang iyong buhay. Ito ay magiging batayan mo sa iyong gagawin na mga pagpapasya sa araw-araw. Isang magandang paraan ito upang higit mong makilala ang iyong sarili at kung saan ka patutungo. Nagsisilbi itong simula ng matatag na pundasyon sa pagkakaroon mo ng sariling kamalayan at mataas na pagpapahalaga sa iyong mga layunin sa buhay. Hindi madali ang paglikha nito, dahil nangangailangan ito ng panahon, inspirasyon at pagbabalik-tanaw. Ayon kay Stephen Covey sa kaniyang aklat na Seven Habits of Highly Effective People“Begin with the end in mind”. Nararapat na ngayon pa lamang ay malinaw na sa iyong isip ang isang malaking larawan kung ano ang nais mong mangyari sa iyong buhay. Mahalagang kilalanin mong mabuti ang iyong sarili at suriin ang iyong katangian, pagpapahalaga at layunin. Mag-isip ng nais mong mangyari sa hinaharap at magpasya sa direksiyon na iyong tatahakin sa iyong buhay upang matiyak na ang bawat hakbang ay patungo sa mabuti at tamang direksiyon. Ayon din kay Covey, ang paggawa ng personal na misyon ay nararapat na iugnay sa pag-uugali at paniniwala sa buhay