IDNStudy.com, kung saan nagtatagpo ang mga eksperto para sagutin ang iyong mga tanong. Sumali sa aming komunidad ng mga bihasa upang makahanap ng mga sagot na kailangan mo sa anumang paksa o problema.
Sagot :
QUESTION:
Paano mo magagamit ang mga ideya ng enlightenment sa pagkakaroon ng kapanatagan ng kaisipan ?
ANSWER:
Naniniwala akong napakahalaga ng ideya ng enlightenment para sa ating mga sarili upang magkaroon ng kapanatagan ng kaisipan, lalo na ngayong pandemya. Kaya gagamitin ko ito upang hindi ako maging isang mangmang na madaling maniniwala sa mga maling impormasyon o haka-haka. Isa sa mga sitwasyon na maaari kong magamit ang ideya ng enlightenment ay tungkol sa mga haka-hakang kumakalat ngayon patungkol sa bakuna kontra COVID-19.
Ayon sa mga impormasyong kumakalat sa online ay ang bakuna laban COVID-19 ay natataglay ng software o microchip na ginagamit daw sa pagmamanman. Dagdag pa rito ay hindi raw epektibo ang bakuna dahil napakabilis itong nagawa at ginagamit daw ng pamahalaan ang pag-rollout nito bilang panakip sa pagkolekta o pagbabago ng ating DNA.
Ang mga haka-hakang ito ay talagang nakakatakot at nakabagabag sa aking isipan. Kaya sa sitwasyong ito ay gagamitin ko ang ideya ng enlightenment. Mas pipiliin kong gamitin ang siyentipikong basehan sa mga bagay-bagay. Hindi ako maniniwala sa mga kumakalat na maling impormasyon na walang sapat na ebidensya o walang matibay na batayan. Iiwasan ko ang kamangmangan at makikinig ako sa ating mga siyentista, eksperto, at doktor na ayon sa kanila ay ligtas at epektibo ang bakuna at hindi totoo ang mga kumakalat na haka-haka tungkol dito.
Sa ganitong paraan ay magkakaroon ako ng kaliwanagan at kapanatagan ng isipan.
#HOPE_IT_HELPS
#CARY_ON_LEARNING
Pag mali po sagot ko, pakireport nlng ng answer ko po. Thank you.
Salamat sa iyong kontribusyon. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.