Makakuha ng mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Tuklasin ang libu-libong mga sagot na na-verify ng mga eksperto at hanapin ang mga solusyong kailangan mo, anuman ang paksa.
Sagot :
Answer:
Ang meme na ito ay tumutukoy sa pangyayaring makikita sa kabanata 15, Mga Sakristan. Ito’y tumutukoy sa huling bahagi ng kabanata kung saan tumatakas na si Basilio mula sa sakristang mayor na may hawak sa kanyang kapatid na si Crispin. Sa linyang “Paglipas ng ilang sandali, sa isang lansangan ng bayan, may narinig na mga tinig at umalingawngaw ang dalawang putok. Gayunman, walang sinumang nabagabag at nanumbalik ang katahimikan.” ay makikita natin na sa pagtakas ni Basilio ay maaaring may masamang nangyari sa kanya. Sa dalawang putok na sandaling sumira sa katahimikan ng San Diego ay mahihinuhang ito’y putok na nanggaling sa baril ng mga guwardiyang humahabol kay Basilio. Sa bahaging ito ay hindi binigyang liwanag o ilaw ang talagang nangyari sa pagtakas ni Basilio, o kaya’y ang tunay na dahilan ng pagkaroon ng dalawang magkasunod na malalakas na putok, ngunit para sa akin, ang mahalagang tanong ay kung ano ang nangyari pagkatapos narinig ng komunidad ang dalawang putok at biglang bumalik ang katahimikan na para ba walang nangyari?
Explanation:
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan at pagkatuto. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.